Miyerkules, Marso 28, 2012

Top Five Things Na Sisira ng Araw Mo

1 Gusto mong mag-dessert at magkape, kaya pumunta ka sa Starbucks or Coffeebean. Pero pagdating mo dun, wala kang maupuan. Kasi lahat ng tables occupied ng mga Medicine or Law students, na mahigit tatlong oras nang nakatambay dun. Obvious naman na kanina pa sila nandun dahil ubos na yung tall mocha frap na order nila (pero kung minsan, yung iba hindi talaga umoorder, or may dalang food and drinks from other stores). Ang nakakainis pa, yung ibang table parang ni-reserve na nila for themselves. Iiwan nila ang mga libro at gamit nila sa mesa para magyosi ng fifteen minutes sa labas. Walang kundiderasyon! Ang kakapal di ba?! I mean, saludo ako na nag-aaral sila. Pero may mga library naman para dun.

2. Yung mga nagpo-post sa Facebook mo ng mga pictures or links na ipapa-Like sa 'yo. Or yung mga nagpo-post ng Food Cart franchise deal. Or yung nag-iinvite sa 'yo na sumali sa Networking Business (itago natin sa pangalang GFI yung company). Nakaka-badtrip pag ginagawang Classified Ads ang Facebook mo, di ba? Haynaku, yung mga FB friends ko na gumagawa niyan, ina-Unfriend ko!

3. Sobrang busy ka sa work, kaya nung magkaron ka ng free time, isiningit mo ang pagpunta sa gym. Kaso, pagdating mo dun, maraming tao. You wanna do some sets sa Chest Incline Machine. Pero inabutan mo na may gumagamit. So, hintay ka ng mga five minutes para matapos siya. Guess what, nagte-text lang siya habang naka-upo sa machine. Sige, bigyan ko siya ng time to rest, baka napagod sa sets niya. Another five minutes. Pero, walang pagbabago, nagtetext pa rin ang walanghiya. Nakasmile pa, kinikilig! Punyeta, nakipagkandian sa machine na gusto kong gamitin! Gusto kong sigawan at palayasin, kaso mas matangkad at mas malaki katawan sa kin! Grrrrr!!! Naubos na oras ko sa paghihintay. So tingin ako sa ibang machines. Pero ganun din ang eksena. Mga nakaupo at nagtetext. Ano 'to, sila-sila ba nagtetext sa isa't-isa? Naglalaro ba sila ng Draw Something? Bwiset!!!

4. Bilang kuripot ako, naka-prepaid phone lang ako gaya ng karamihan sa inyo. Eto ang nakaka-bad trip. Nag-load ka ng 500. Nagregister ka sa unlimited text promo. Tapos chinika ka ng katabi mo, so na-distract ka for a moment. Akala mo na-register ka na sa unlitext. So nagforward ka ng Bob Ong or The Notebook quote sa lahat ng friends sa Contacts List mo. Only to find out na nadeny pala ang registration ng Unlitext mo. Kaya ayun, in less than fifteen minutes, ubos ang 500 pesos lad mo! Parang gusto mo kumanta ng "kung oagkain sana, nabusog pa ako."

5. May bagong labas na Nike signature shoes ng paborito mong NBA player. Nag-compute ka na kung ilang linggo kang di magmi-milk tea, ilang beses kang di magta-taxi, at gaano ka katagal magtitipid ng cellphone load para mabili ang sapatos na nagkakahalaga ng mga anim na libo. Hanggang sa nagpunta ka na nga ng Nike Park at nabili mo na ang inaasam na sapatos. Paglabas mo ng store, narinig mo pa ang mga anghel na kumakanta ng Allelujah. So, nag-jeep ka pauwi, kasi start na ng pagtitipid. Pagtingin mo sa katapat mo, may jejemon na suot ang sae shoes na binili mo. Na-curious ka kung magkano ang bili niya. Sabi niya, 500 sa divisoria. Parang gusto mong magwala! Mukhang original, pero limandaan lang! Sayang ang milk tea! Huhuhu.

Huwebes, Marso 1, 2012

Remembering Girl Power

Magpakatotoo na tayo. Sino sa inyo ang hindi nakaka-miss sa SPICE GIRLS?

Yung mga hindi nagtaas ng kamay, siguradong mga pa-mhin na nagsusumiksik pa rin sa kloseta. Magtigil nga kayo ha! Maglabasan tayo ngayon ng ipod, coz I'm sure na bukod kina Madonna at Celine Dion ay nangunguna sa playlist nyo ang grupong binubuo nina Victoria Adams (aka Posh Spice, na ngayo'y Victoria Adams na), Melanie Brown (aka Mel B, or Scary Spice), Melanie Chrisholm (aka Mel C, or Sporty Spice), Emma Bunton (aka Baby Spice), and Geri Halliwell (aka Ginger Spice).

Tandang-tanda ko pa nung i-release ang unang single nila na Wannabe in 1996. Kahit matigas ang balakang ko at kaliwa ang dalawang paa ko, nagla-lock ako ng kwarto para sabayan ng sayaw ang hit single na ito (takot ko lang na mahuli ng tatay ko, baka nilublob na 'ko nun sa baldeng puno ng tubig, hahaha).

Tinipid ko ang baon ko para maka-ipon ng P150 na pambili ng cassette ng grupo na pinamagatang SPICE.Nang mapakinggan ko na ang lahat ng tracks sa album, para akong naka-jackpot! Winner ang lahat ng kanta ng Spice Girls! Agad kong binendisyunan ang sarili ko bilang alagad ng GIRL POWER! At kahit sobrang liit ng font ng lyrics sa casette inlay, mega-effort ako na basahin yun para makabisado lahat ng kanta ng mga Sis ko.

'Di rin papakabog ang sophomore album nila na SPICE WORLD, na naging title din ng movie nila. Dahil isa akong dakilang fan, pinatulan ko rin ang pelikulang nila. Pero, wala yung kwenta, parang nag-trip lang yung writer at direktor. Pinatawad ko na lang ang chakang akting ng Spice Girls, at naghanap ng ibang masisisi - napagbuntunan ko ang All Saints, na isang American female group na kasabayan ng Spice Girls. Hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanila, hahaha.

Fast forward to 1998, nagimbal ang buong mundo sa pag-alis ni Geri Halliwell sa grupo. I was in shock. I felt lost. Hindi ko alam kung paano pa magpapatuloy ang buhay, kung paano pa magagawang umikot ng mundo ngayong hindi na kumpleto ang Spice Girls.

Pero, eventually, natanggap ko rin ang lahat. Naging happy at supportive pa rin ako sa solo career ni Ginger Spice. Kaya lang, unti-unti nang nanamlay ang career ng natitirang myembro ng Spice Girls. Hindi na kasing-successful ng first two albums nila ang FOREVER na ni-release nung 2000. I wanted to do something, pero ang layo ng United Kingdom. Kaya, ang ending, para akong inutil na walang nagawa nung mag-decide ang grupo na mag-disband.

Habang sinusulat ko ito, at tumutugtog ang Too Much sa earphones ko, 'di ko maiwasang malungkot muli. Kamusta na kaya silang lima? Bakit kaya 'di na sila nagtetext (chos lang, hahaha).

They still hold the record of being the best-selling female group of all time! Mahigit 75 million lang naman ang bilang ng nabenta nilang records worldwide (kung hindi nabuwag agad ang Vanna Vanna or The Cherries, sila sana ang may kakayahang sumira sa record na ito, kaso na-tegi kaagad ang grupo, hehehehe).

Maraming kababaihan sa aking henerasyon ang mas matapang, mas matayog ang narating, at mas masaya ngayon dahil sa prinsipyong GIRL POWER na ipinamana ng Spice Girls (seryoso, itanong nyo pa sa SWS Survey!) Malaki talaga ang naiambag ng Spice Girls para makumpleto ang mga buhay natin!

Kaya, kung nami-miss mo sila, 'wag kang mag-deny! Kapag narinig mo ang kantang STOP, sayawin mo ang cute na dance steps na kinabisado mo from watching their MTV. 'Wag mong ikaila na minsan ay pinangarap mong maging si Posh Spice or si Baby Spice. Ipagmalaki mo na buhay sa iyong kalooban ang diwa ng Girl Power!

At saka natin sabay-sabay na ipagsigawan -- Viva Forever!!