Lunes. May hangover pa ng weekend, kaya ang bigat-bigat ng katawan ko. Nakakatamad kumilos. Buong weekend, sabi ko okay lang kumain nang kumain, dahil mag-wo-workout naman ako sa gym pagdating ng Lunes. Isa na namang pangako na napako.
So, habang nakasalampak ako sa kama, at nag-iisip kung ano ang ipapa-deliver na food, I decided to watch this film which I haven't heard of before. 'Di ako sure kung napalabas 'to sa mga sinehan dito sa 'Pinas. It's called The Fundamentals of Caring. The only reason I decided to check it out is because Paul Rudd is in it.
Paul's character is Ben, isang dating writer na may tinatakasang nakaraan. While dodging his ex-wife's attempt to get a divorce, nag-take si Ben ng caregiving course. Not long after, he lands a job bilang caregiver ni Trevor (Craig Roberts), isang teenager na wheelchair-bound dahil sa muscular dystrophy. Sa umpisa ay laging asar-talo si Ben dahil sa pagiging pasaway ni Trevor. Pero eventually, magkakaroon ng koneksyon ang dalawa at magiging magkaibigan.
Dahil sa sakit niya, isang beses sa isang linggo lang kung lumabas ng bahay si Trevor. Naka-schedule ang lahat ng kilos niya. Ang tanging koneksyon niya sa mundo ay ang TV, watching programs that feature roadside attractions. Si Ben ang hihikayat sa kanya to live his life outside of the living room. At dito na magsisimula ang isang road adventure na magsesemento at susubok sa pagkakaibigan ng dalawa.
Kung nagustuhan mo ang mga pelikulang The Fault in Our Stars at ang recently shown na Me Before You, siguradong mae-enjoy mo rin ang The Fundamentals of Caring, na hango rin sa isang libro. Although may love angle rin sa movie sa pagitan ni Trevor at ni Dot (Selena Gomez), mas naging sentro ng kwento ang friendship nina Ben at Trevor. Nakaka-inspire kung paano nila natulungan ang isa't-isa na makawala sa kani-kanilang mga misfortunes, at maging buo muli. Kwento rin ito ng redemption at pagtanggap sa mga bagay sa buhay na hindi na natin mababago, upang makapag-move on bilang better individuals.
At one point in the movie, sinabi ni Ben na swerte nang mabuhay si Trevor nang beyond 30 years old dahil sa sakit nito. Pero sa loob ng ilang araw na road trip, narating ni Trevor ang mga lugar na gustong puntahan, nakatagpo siya ng pag-ibig, at natupad niya ang ilan sa mga pinapangarap lang noon. After watching the movie, parang bigla akong nagkaroon ng drive na lumabas ng bahay, and make the day productive. Kung minsan kasi, we take many things for granted, kaya nami-miss natin ang beauty at halaga ng mga blessings na mayroon tayo. This movie teaches one to have a passion for life like Trevor.
So, matapos kong umiyak sa ending ng Fundamentals, I took a shower, got dressed, and prepared for the day ahead. I was all fired up to seize the day.