Miyerkules, Pebrero 29, 2012

And The Winner Is...

Ano ba ang kahulugan ng pagkatalo?

Sa mga byukon(beauty contest), pag di ka pumasok sa semis, "thank you girl" ang bagsak mo. Kung minsan, may pakonswelo ka pang Miss Friendship award. Pero hindi naman judges ang pumili nito kundi ang mga contestants, so walang bearing. Sash lang ang matatanggap mo. Ni wala kang bouquet of flowers. Kasi, ang bulaklak ay para lang sa winners! Nakakainis lang!

Sa sugal, pag di ka swerte, olats ang tawag sa 'yo. Baho-kamay ka sa tong-its, dahil laging patapon ang nakukuha mong baraha. Habang natatalo ka at nauubos na ang pera mo, para kang trapped sa kumunoy -- umaasa ka na makakabawi pa, na mananalo ka pa, pero ang totoo ay lalo ka lamang lumulubog. Ang ending, baon ka na sa utang, pati pride at respeto mo sa sarili, lubog din. Nakaka-bad trip lang!

Sa panliligaw, 'pag basted ka, talo ka. Kaya yung ibang lalake, ayaw tumaya ng malaki. Namimili sila ng liligawan. Gusto nila yung may assurance na sasagutin sila. Para di masayang yung gastos sa mga date at mga regalo. Pero minsan, kahit akala mo ay may pag-asa ka, nasisilat pa rin. Kawawa ka 'pag mahal mo na tapos nakuha pa ng iba. Siguradong iiyak ka. Galit ka, di lang sa babaeng nagpaasa sa 'yo, kundi sa buong mundo. At isusumpa mong hinding-hindi ka na ulit iibig kahit kelan. Nakaka-trauma lang!

Maraming pagkakataon sa buhay natin na nakakaranas tayo ng pagkatalo. Iba-iba ang mukha ng pagkabigo. Iba-iba rin ang impact nito sa ating mga sarili. Ang maagawan ng pinarang taxi, or maunahan sa last stock ng damit na gustong-gusto mo ay nakakainis. Pag natalo ka sa championship game or sa student council elections, ay mabigat sa kalooban. Pero ang mabigo sa pag-ibig, sa pag-abot ng pangarap, sa paglaban sa karamdaman, ito ang mga pagkatalo na tunay na susubok sa ating katatagan.

Ang hirap kasi sa karamihan sa atin, lagi tayong handang manalo. Iniisip na kaagad natin ang makukuhang premyo. Pinaplano na kaagad natin kung paano ipagdiriwang ang tagumpay.

Pero gaano ba kabuo ang loob natin sa posibilidad ng pagkatalo? Ilan sa atin ang nakahandang yakapin ang kabiguan?

Noong nakaraang linggo, labis ang kalungkutang naramdaman ko nang matalo ang kaibigan kong si Ron sa student council elections. Sobrang bilib ako sa galing niya at sa sinserong hangarin niya na maglingkod sa mga estudyante, kaya isa ako sa mga kumumbinse sa kanyang tanggapin ang hamon na tumakbo bilang Pangulo.

Kaya nang lumabas na ang resulta ng mga boto, hindi ko napigilang mapaiyak. Marami ang nakaramay ko sa kalungkutang ito.

Ngunit pinahanga ako ni Ron sa paraan ng pagtanggap niya sa kabiguan. Siya ang tao na sanay manalo, na maraming beses nang nagtagumpay. Ngunit sa unang beses na siya'y natalo, hindi siya nagalit, hindi siya nanumbat. Wala akong nakitang bitterness sa kanya. Tinanggap niya ang kabiguan nang taas noo. Oo, umiyak siya, pagkat tao lamang siya na nasasaktan rin. Ngunit alam niya na hindi habambuhay ang kalungkutang iyon. Na lilipas rin iyon.

Para sa marami, ang pagkatalo ay parang kumunoy na humihila sa atin pababa. Pero choice mo kung hahayaan mong ma-stuck ka na lamang roon, o kung aahon ka at magpapatuloy. Marami pang laban ang iyong pagdadaanan sa buhay. Ang success o failure mo bilang tao ay hindi masusukat sa isang laban lamang, kundi sa resulta ng mga pakikipagsapalarang haharapin mo pa sa iyong pagtanda. Maging positibo ka na ika'y magkakamit ng mga tagumpay, ngunit ihanda mo rin ang sarili mo sa mga kabiguan. Magpunyagi ka upang manalo, ngunit 'wag kang matakot matalo.

Sina Michael Jordan, Albert Einstein, Walt Disney, Regine Velasquez, Manny V. Pangilinan, lahat nakaranas mabigo. Ngunit ginamit nila ang mga aral ng pagkatalo upang marating ang rurok ng tagumpay. It is exactly at the point when things seem to be at their worst that you should not quit. 'Coz sometimes, a winner is just a loser who never gave up.

So, next time na mabigo ka, tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang kahulugan ng pagkatalo sa iyo. You can either think you lost the gold, or you can think you won the silver.

Hindi lang sa boxing may rematch. Sa buhay din nating lahat, laging may second chance.

(Special thanks to Mr. Perk, Kimykimymore and AJ080185 for the inspirational quotes)

Martes, Pebrero 7, 2012

Ang Love Story Kong Pito-pito!

Ilang araw na lang, Valentine's Day na! I wonder kung gaano karaming couples pa ang seryosong sine-celebrate ang araw na 'to? And I also wonder kung gaano karami kami na hanggang ngayon ay umaasa pa ring magkakaroon ng rason para i-celebrate ang araw ng mga puso.

Kasalanan 'to ni Kate Middleton e! Kung 'di niya pinikot si Prince William, baka may chance pa na 'di ako ma-zero sa Valentine's. Lekat na bruhang yun! Ang ending, single na naman ang mamang malaki ang tiyan!

Ang dami-dami ko nang nasulat na love story sa mga script at plays na ginawa ko. Pero bakit ang love story ng buhay ko, isang mahabang serye ng pito-pito films, walang tumatagal sa takilya. Ang galing-galing kong magpayo sa ikagaganda ng lovelife ng mga kaibigan ko, pero bakit ang mga relationships ko parang delata, may expiration date! May wicked witch kaya na nag-gatecrash noong binyag ko at niregaluhan ako ng sumpa? Am I never gonna get my happily ever after?!!

Malungkot ang mag-isa. Nakakatakot tumanda nang walang kasama. Nakakainggit makitang masaya ang iba sa piling ng mga jowa nila. Sino ba naman ang gusto ng ganung buhay? Not me! I have so much love to give! Overflowing! Naipon sa puso ko ng 32 years!

Marami na akong minahal, ngunit maraming beses na rin akong nabigo. Tanggap ko yun. Iniyakan ko na yun. Pero yung iba sa kanila, parang mantsa pa ring nakadikit sa puso ko na di maalis-alis. Ganun yata ang true love, parang makapit na libag na di mahuhugasan ng kahit isang baldeng luha. Kaya kawawa yung mga nakaka-relasyon ko, dahil lagi ko silang ikinukumpara kina J at M (yung mga tsismosa dyan, wag na manghula kung sino ang dalawang ito, dahil ide-deny ko lang! I want to keep my lovelife private, chos! Haha)

So, there, I admit that the problem lies with me. Tama yung sinabi ni Basha -- sometimes, the hardest person to get over is the one you never had. Alam ko kung ano ang gusto kong puntahan - ang mundo ng mga taken, ng mga "in a relationship." Pero hindi ako makalipad doon dahil ang dami kong excess baggage. Hindi ako maka-move on sa heavy traffic ng mga single at sawi, dahil ayaw kong humanap ng ibang ruta at iwan ang matrapik na daan.

I need to do something about this. In fact, I think I'll make it one of my resolutions for 2012 -- to give love a chance. Nagmove-on na ang mga tao'ng bahagi ng past ko. It's time I do the same. Kaya, Bro, send someone my way na ulit. Promise, aalagaan ko na ang relationships ko. I'll nourish it para magtagal. Sisiguraduhin kong, this time, magiging box-office na ang love story ng buhay ko!!

And, Bro, kung 'di po kalabisang hilingin, pwede bang si Prince Harry ang ipadala mo? So we can live happily ever after!

Sa inyong lahat, Happy Valentine's Day!!