Martes, Pebrero 7, 2012

Ang Love Story Kong Pito-pito!

Ilang araw na lang, Valentine's Day na! I wonder kung gaano karaming couples pa ang seryosong sine-celebrate ang araw na 'to? And I also wonder kung gaano karami kami na hanggang ngayon ay umaasa pa ring magkakaroon ng rason para i-celebrate ang araw ng mga puso.

Kasalanan 'to ni Kate Middleton e! Kung 'di niya pinikot si Prince William, baka may chance pa na 'di ako ma-zero sa Valentine's. Lekat na bruhang yun! Ang ending, single na naman ang mamang malaki ang tiyan!

Ang dami-dami ko nang nasulat na love story sa mga script at plays na ginawa ko. Pero bakit ang love story ng buhay ko, isang mahabang serye ng pito-pito films, walang tumatagal sa takilya. Ang galing-galing kong magpayo sa ikagaganda ng lovelife ng mga kaibigan ko, pero bakit ang mga relationships ko parang delata, may expiration date! May wicked witch kaya na nag-gatecrash noong binyag ko at niregaluhan ako ng sumpa? Am I never gonna get my happily ever after?!!

Malungkot ang mag-isa. Nakakatakot tumanda nang walang kasama. Nakakainggit makitang masaya ang iba sa piling ng mga jowa nila. Sino ba naman ang gusto ng ganung buhay? Not me! I have so much love to give! Overflowing! Naipon sa puso ko ng 32 years!

Marami na akong minahal, ngunit maraming beses na rin akong nabigo. Tanggap ko yun. Iniyakan ko na yun. Pero yung iba sa kanila, parang mantsa pa ring nakadikit sa puso ko na di maalis-alis. Ganun yata ang true love, parang makapit na libag na di mahuhugasan ng kahit isang baldeng luha. Kaya kawawa yung mga nakaka-relasyon ko, dahil lagi ko silang ikinukumpara kina J at M (yung mga tsismosa dyan, wag na manghula kung sino ang dalawang ito, dahil ide-deny ko lang! I want to keep my lovelife private, chos! Haha)

So, there, I admit that the problem lies with me. Tama yung sinabi ni Basha -- sometimes, the hardest person to get over is the one you never had. Alam ko kung ano ang gusto kong puntahan - ang mundo ng mga taken, ng mga "in a relationship." Pero hindi ako makalipad doon dahil ang dami kong excess baggage. Hindi ako maka-move on sa heavy traffic ng mga single at sawi, dahil ayaw kong humanap ng ibang ruta at iwan ang matrapik na daan.

I need to do something about this. In fact, I think I'll make it one of my resolutions for 2012 -- to give love a chance. Nagmove-on na ang mga tao'ng bahagi ng past ko. It's time I do the same. Kaya, Bro, send someone my way na ulit. Promise, aalagaan ko na ang relationships ko. I'll nourish it para magtagal. Sisiguraduhin kong, this time, magiging box-office na ang love story ng buhay ko!!

And, Bro, kung 'di po kalabisang hilingin, pwede bang si Prince Harry ang ipadala mo? So we can live happily ever after!

Sa inyong lahat, Happy Valentine's Day!!

2 komento:

  1. Habang binabasa ko ito, naririnig ko talaga sa utak ko ang boses mo. Hehe. :)- jules

    TumugonBurahin
  2. kamusta naman ang dalawang nag daang Valentine's day mo?

    TumugonBurahin