Huwebes, Oktubre 13, 2011

Home, Sweet Home!

(NOTE: I wrote this entry two weeks ago, before boarding a plane to Singapore)


It's the third time this year that I'm travelling out of the country. It's my second trip to Singapore in 2011. Biglaan ang byaheng 'to. I booked the flight two days ago. Nag-empake ako kaninang alas-dos. I attended a meeting pa at four. Got home around 6:30. Took a cab to the airport. And now I have an hour to kill bago mag-board ng eroplano.

Excited ako to spend the weekend in Singapore hindi para mamasyal at ma-amaze sa yaman at ganda ng bansang 'yun. I'm going there to be with friends who are based there already. So, even if I'm actually going away, it feels like I'm going home pa rin.

Going home. That's the best feeling in the world for me.

Pagkatapos ng maghapong paguran sa trabaho, ang sarap umuwi para manood ng TV, humigop ng mainit na sabaw ng noodles, or dumeretso sa kama.

Kahit masaya ang bakasyon, there comes a point that you get homesick and want to see familiar faces and go to familiar places again.

Kapag may problema ka, or malungkot ka, or galit ka sa mundo, gustung-gusto mo makarating agad ng bahay para magkulong at magmukmok, kasi you feel safe there.

Home is your sanctuary, a place where you are king, where you have absolute freedom.

Para sa mga Pinoy, ang tahanan ay madalas nangangahulugan rin ng pamilya. Hindi mahalaga kung maliit o malaki ang bahay, kung nasaan ito, kung inuupahan ba ito o pagmamay-ari. Kapag kumpleto ang pamilya at masaya, nagiging mansyon ang isang barung-barong. Kapag magkakagalit o may 'di pagkakaunawaan ang mga myembro ng pamilya, parang inaanay ang bahay o may tagas ang bubong. Kapag kulang o wala ka nang pamilyang uuwian dahil may umalis o may pumanaw, parang umuuwi ka rin sa kawalan, sa isang invisible na bahay, o isang bahay na nag-evaporate.

Kaso, iba na ang generation ngayon. Hindi na kasing-halaga ang tahanan ngayon gaya noon. Hindi na nakikita ng iba ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya upang bigyang buhay ang isang bahay. Maraming kabataan ang parang boarders na mas mahaba pa ang oras sa barkada at galaan, kesa sa inilalagi nila sa bahay. Maraming magulang ang kulang na kulang o walang oras sa pamilya, dahil ibinubuhos lahat sa trabaho. Ang mga maliliit na bata, hindi nagagabayan ng maayos dahil hindi namo-monitor ang pinapanood nila sa TV o ang napupulot nilang mga pananalita't kilos sa paglalaro sa kalsada.

Nagsawa na ba ang mga Pinoy sa pag-uwi sa isang tahanan?

Sana ay hindi. Pagkat para sa akin ay napakahalaga ng isang tahanan, ng isang buong pamilya. Hindi man ako lumaki sa maginhawa at perpektong pamilya, buo kami at nagmamahalan. Maraming beses kaming nagbabangga ng mga kapatid ko, pero hindi kami sumusuko na muli kaming magkakabati.

Sina Kat at Kay, na pareho kong mga kaibigan, ay parang mga karakter ng isang teleserye. Maraming drama na pinagdaanan ang magkapatid na ito, at saksi ako sa away-bati nila noon. Ngunit batid nila na hindi magigiba ng anumang misunderstanding o away ang bond nila bilang magkapatid. Sa paglipas ng panahon, ay hindi pa rin perpekto ang kanilang samahan. Ngunit mas palagay na ang loob nila, na sakaling subukin muli ng pagkakataon ang kanilang pagiging magkapatid, sa bandang huli ay sila pa rin ang magkakampi. Kapwa may sari-sarili nang pamilya sina Kat at Kay. Both are now based in Singapore. At naniniwala ako na ang mga natutunan nila sa kanilang nakaraan ay ibabahagi nila sa kanilang mga anak. Kasama na doon ang kahalagahan ng pamilya, at ng tahanan.

*********

Nitong nakaraang linggo ay humagupit ang bagyong Pedring at Quiel. Maraming kababayan natin ang nawalan ng tirahan. May ibang nawalan rin ng kanilang mga minamahal. Nakakadurog ng puso pag nakikita mo ang mga video sa balita. Parang nararamdaman mo rin ang pain ng mga biktima.

Nakakalungkot isipin na kailangan pa ng mga trahedyang tulad nito upang matauhan ang iba sa atin at ma-realize ang halaga ng mga taong mahal natin. Kailangan pa nating makaranas ng kalamidad upang isantabi ang mga 'di pagkakaunawaan, at muling yakapin ang isa't-isa. Kailangan pa nating makitang nagdurusa ang iba bago natin buksan ang ating mga palad upang magbigay.

Pare-pareho tayong mga Pinoy. At ang Pilipinas ay tahanan nating lahat. Ibig sabihin, isang malaking pamilya tayo. Kaya sana ay matuto ang bawat Pinoy na magmalasakit sa kanyang kapwa. Huwag tayong magsiraan at maghatakan pababa. Huwag tayong magkibit-balikat at tumalikod sa mga nangangailangan.

Sa maliit mong paraan, tumulong ka sa iyong kapwa. Simulan mo sa iyong pamilya. Maging mabuti at responsable kang magulang. Maging mapagmahal at mapag-aruga kang kuya o ate. Sa gayong paraan ay made-develop natin ang kultura ng pagkalinga. Magiging second nature na natin ang pagtulong sa kapwa. Hindi yung tuwing may bagyo o lindol lang tayo nagiging matulungin.

Masdan mo ang kalsada, maraming batang palaboy ang napapariwara. Apektado ka ba pag nakikita mo sila? Mahirap bang sundan ang halimbawa ni Efren Penaflorida? Dadaan-daanan na lang ba natin ang mga batang ito at hahayaan silang lumaki bilang mga kriminal o mga puta?

'Pag nagdadasal tayo ay lagi tayong humihingi ng blessings. Bakit hindi kaya natin hilingin na maging blessing naman tayo sa iba. Wala namang mawawala sa pagtulong o sa pagbabahagi ng iyong sarili sa kapwa. Sa halip ay mas pinagyayaman mo ang iyong sarili bilang isang Kristyano. Pinapatuloy mo ang iyong kapwa sa isang tahanan -- ang iyong matukunging puso.

Ikaw, kaibigan? Buo ba ang iyong tahanan?

1 komento:

  1. Another inspiring blog Marlon, love your dedication to your 'home' and to your friends! Keep on writing!!!

    TumugonBurahin