Wala akong alam na sugal. Marunong akong mag-mahjong, pero I play it with friends for fun, habang nagkakape at nagkukwentuhan. Walang money involved. 'Yan ay dahil busilak ang aking pagkatao at dalisay ang aking puso. Charot! Hahaha.
Ewan ko ba. Hindi lang siguro sold sa akin ang idea na kailangan mong magsugal para lumago ang puhunan mo at kumita ka ng malaking pera. Nung bata ako, madalas mag-away ang parents ko dahil sa pagsusugal ni Papa. Kaya siguro imbes na pagsusugal ang inaral ko ay pagpapalaganap ng world peace ang inatupag ko.
Now, kung pagsugal sa buhay ang topic ng usapan, dyan ako maraming kwento. I'm a risk-taker, and I've made a lot of big and life-changing decisions in my 23 years of existence in this world... Ay, wait, sorry, 32 years pala, char! Haha.
Marami ang nagtatanong kung paano naging writer ng mga soap opera ang isang Computer Engineer na tulad ko. Yung iba, naa-amaze. Yung iba naman nanghihinayang. Sayang daw yung limang taong ginugol ko sa pag-aaral kung di ko naman gagamitin ang degree ko.
Well, kung ako ang tatanungin, ni katiting na regrets ay wala akong nararamdaman para sa career path na pinili ko. I believe na lahat ng tao ay iisa lang ang hangad -- ang maging happy at successful. At sa apat na taong pagtatrabaho ko sa Kapuso Network, with full confidence kong masasabi na happy at successful ako sa ginagawa ko.
Pero hindi naging madali ang daan patungo sa aking kinalalagyan ngayon. Naranasan kong magtyaga sa anim na libo kada buwan na sweldo sa pagtuturo sa isang computer school. Tiniis ko mag-work na ang job title ay Clerk 1 lang. May mga panahon din na nawalan ako ng trabaho -- walang pang-load, walang pang-gimik, walang pang-shopping.
Kaya natuto akong maging patient. And, later, na-realize ko na may pay-off pala ang lahat ng ito.
My teaching stint made me fall in love with being an Educator. I think it's the noblest and most fulfilling profession. Pagtanda ko, nakikita ko ang sarili ko bilang isang teacher, ipinapasa ang natutunan ko sa pagsusulat sa bagong henerasyon ng mga writers.
Nagstart ako sa PLM bilang Clerk 1 lang. Then naging Secretary ako ng Dean. I left the University for two years, kasi nainip ako sa bagal ng promotion. Pero sobrang na-miss ko ang Pamantasan, kaya nag-decide ako na bumalik. I never expected na ilang buwan lang matapos ang pagbalik ko ay magiging pinakabatang Dean ako ng Student Affairs sa PLM.
During the time naman na wala akong trabaho, I spent my days writing. I started working on a story about a young teacher who taught prisoners at a penal colony. That time, hindi ko alam kung mailalako ko ang script sa mga producers, o kung may magkaka-interes na basahin yun at all. A year later, isinali ko ang "KOLONO" sa Palanca Awards for Literature. And my screenplay won second place!
Gaya sa sugal, minsan talo ka. 'Wag ka lang mauubusan ng pasensya, kasi darating din ang oras na ikaw naman ang kakabig. Ikaw naman ang panalo.
In 2007, I was working sa isang call center as part of the training team. Maganda na ang sweldo ko nung time na yun. Pero, bigla akong tinawagan ng friend ko, at sinabi nya sa akin na mag-o-open ang GMA ng writing workshop. Six months daw ang training, walang sweldo. Pero pag nakita nilang magaling ka, iha-hire ka after the workshop.
So, I applied sa workshop, and sobrang epic fail yung naging resulta ng interview ko. Sabi ko sa sarili ko, kung matatanggap pa 'ko sa workshop after my disastrous interview, sign na yun from God na bitiwan ko na ang lahat at i-grab ko na yung opportunity. A week later, tinawagan ako ng GMA. Pasok daw ako sa workshop.
Naalala ko ang promise ko kay God. Kaya binitiwan ko ang lahat. Nag-resign ako sa work, kahit stable na ang job ko that time at malaki na rin ang kinikita ko. Matagal na kasi akong naghihintay na magkaroon ng break sa pagsusulat. Sumugal ako! Itinaya ko ang lahat sa workshop na walang sweldo at walang one hundred percent guarantee ng employment after ng anim na buwan.
At nanalo ako sa sugal na yun! Waging-wagi! Dahil ngayon ay masaya ako sa ginagawa ko at masasabi kong naging successful ako. Hinding-hindi ko pinagsisisihan na binitiwan ko ang lahat para sa GMA. I'm finally right where I belong.
Because of that experience, hindi na ako takot sumugal sa buhay. I'm always ready to take risks. Alam ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako. Pero dahil naranasan ko na rin ang mabigo in the past, hindi ako natatakot na pagdaaanan ulit iyon. Dahil sa mga kabiguan, mas nagiging matamis ang tagumpay. Pag tumaya ka ng malaki, mas fulfilling pag nanalo ka sa sugal.
Ikaw, ano'ng sugal na ang tinayaan mo sa buhay?
Inspiring Marlon! your courage is commendable, keep writing and may your blogs reach millions... and let them be moved!!!!! I know I am.....
TumugonBurahin