Linggo, Hunyo 10, 2012

Friends Forever

Nabwiset ang buong sambayanan sa lutong desisyon ng mga judges sa laban nina Pacquiao at Bradley. Nakakalungkot, dahil natapos ang winning streak ng Pambansang Kamao.

Pero hindi si Pacman ang dahilan kung bakit mabigat ang kalooban ko.

Sad ako dahil sa pagwawakas ng Tween Hearts, ang youth-oriented drama na napapanood tuwing Linggo ng hapon sa GMA. Sa loob kasi ng halos dalawang taon ay naging bahagi ako ng Creative Team ng show. Sabi nga, it's never easy to say goodbye.

I will treasure so many good memories about Tween Hearts. First time kong sumulat ng isang weekly drama. When we started, eight episode mini-series lang dapat ito. Pero after seeing the overwhelming positive response from the viewers, after episode 4 ay nagdecide ang management na i-extend ito for a full season.

Sobrang excited ako when I heard the news. I was a big fan of TGIS and Click kaya pangarap ko to be part of a show na linggo-linggong aabangan ng kabataan, na tatatak sa kanila at magiging parte ng buhay nila. Sabi ko, this is it! Tween Hearts could be the show for this generation's youth!

I was blessed to work with four brilliant Headwriters who shaped the story of TweenHearts.

Miss Kit was the first. She conceptualized the show, and she created the characters. Nung una, takot ako sa kanya. First time ko kasing magsulat for her. Pero magaan pala siya katrabaho, kaya love ko na siya ngayon. Madami akong natutunan sa kanya, na ngayon ay nagagamit ko ng sobra sa pagsusulat. Later on, she would remain in the show as Creative Consultant. Sa original team ng Tween Hearts, kaming dalawa ang nag-stay hanggang sa Finale.

Ang sumunod na naging Headwriter ng show ay si Sen. Iba naman ang style niya. Mas maluwag, mas relaxed ang meetings. Generous siya sa compliments kaya love din siya ng mga writers.

Third na humawak sa Tween Hearts ay si Miss Denoy. Sobrang fun ng mga meetings, at sobrang dali ng trabaho dahil by this time ay sobrang bonded na ang grupo. Nag-graduate na bilang writers ang mga kasama kong sila Onay and Geng, at nadagdag sa pamilya sina Borgy, Ken and Jason. Sobrang maternal para sa 'min si Miss Denoy dahil sya ang mentor namin sa Writing Institute. Sa term din niya naging official food ng team ang David's Tea House!

Last Headwriter, but not the least, ay ang contemporary kong si Onay. She's quite timid and shy, pero sobrang love namin siya dahil very considerate and down to earth. Sa term niya nag-graduate si Ken as writer at pumasok naman sina Libay and Cyril. Kasama namin si Onay na humarap sa matitinding pagsubok na dumating sa final season ng show. She never gave up. And with her stewardship, nanatiling number one ang Tween Hearts hanggang sa pagtatapos nito.

If you're wondering kung ano'ng personality ng mga writers ng Tween Hearts, isa lang ang masasabi ko -- we're all tweens by heart. Kaya kahit kami ang gumagawa ng mga kwento, kami rin ang number one fans ng show.

Si Borgy, maaasahan sa mga kilig devices na lalong nagpapatamis sa mga kilig scenes ng show. Si Ken naman, panalo ang mga dialogues na madalas nako-quote sa Twitter. Si Geng, alagang-alaga ang consistency ng mga characters. Si Jason, forte niya yung mga heartwarming moments. Sina Libay at Cyril, kahit parehong baguhan sa show, nagpamalas agad ng galing at pinatunayang pwede na silang sumabak sa daily soaps.

Sa apat na extensions ng Tween Hearts, lagi akong nagpe-pray na wag ako mag-graduate sa show. Sobrang napamahal na sa kin ang mga tweens. Apektado 'ko pag nag-aaway sila Josh at Bambi. Inis na inis ako pag may kabulastugan sina Lucy, Becca at Violet! Kinikilig ako tuwing kakantahan ni Jacob si Bel. Ganun ako ka-involved sa mga buhay nila.

Kaya thankful ako that the management trusted me to remain in the show til the very last episode. I am so proud to be part of Tween Hearts, to work with an outstanding Creative Team and excellent Production Staff headed by Direk Gina Alajar, our Program Manager, Miss Hazel Abonita and our Executive Producer, Miss Mona Mayuga. Syempre, it's an honor din to meet and become friends with our awesome young cast.

Sa pagsasara ng Tween Hearts, hindi lang ang mga tweens ang mami-miss ko nang husto. I will miss the creative meetings and the team. Ibang klase ang nabuo naming bonding. Kasama ako ng mga fans sa clamor na magkaron ng reunion show ang ating tween barkada, para mabuo rin ulit kaming team.

Siguro ay lilipas din ang lungkot ko. Dahil marami namang happy memories na pwedeng balikan. The show may have ended, but the bond remains.

In behalf of the Creative Team, MARAMING SALAMAT PO SA PAGSUPORTA AT PAGMAMAHAL NYO SA TWEEN HEARTS.

Friends Forever!

Crash and Burn

Nandito 'ko ngayon sa PowerMac, pinapacheck-up ang Macbook ko. Sabi ni Kuya nag-unmount daw yung... teka, ano nga ba yun? Nakalimutan ko yung mga terms, puro teknikal kasi. Basta ang bottomline, nag-crash ang hard drive ko at kelangan ko daw mag-reformat.

Nanlumo ako. Lahat ng files ko, all gone! Lahat ng photos at mga intimate videos namin nina Nick Jonas, Zac Efron at young actor from the other network, wala na rin! I'm devastated. I don't think I deserve this misfortune. Maingat naman ako sa paggamit ng Macbook ko. In fact, bihira ko nga siya gamitin. So, paano nangyari ito?! Bakit?! Nasaan ang katarungan!!

Dali-dali akong naghanap ng dingding upang dumausdos sabay breakdown! Hayuuuuuup!!!

Pero, maya-maya lang, naisip ko na mukha akong tanga sa pag-e-emote ko dahil wala namang camera sa paligid. And I also realized na hindi pa naman katapusan ng mundo just because nag-crash ang hard drive ko. I mean, yung ibang tao ay mas worse pa ang mga problema. Kaya kahit walang direktor na sumigaw ng "cut!" ay tinigil ko na ang pagdadrama ko.

Sa panahon ngayon, masyado nang dependent ang tao sa mga gadgets. Ito na ang kumokontrol sa kanya. Alipin na tayo ng teknolohiya. Kaya pag walang signal ang cellphone or down ang server, nagpapanic na tayo. Kapag nag-crash ang hard drive, naloloka na ang tao.

Kunsabagay, ganun din naman ang reaksyon at mararamdaman natin kapag sunud-sunod ang mga pagsubok na dumadating at problemang pasan natin. Some are driven to the point of desperation. Feeling nila ay magka-crash and burn na sila.

Buti sana kung pwede mag-reformat ang isang tao para mabura lahat ng mga sad memories at bad experiences. Pero kung posible nga yun, would you choose to erase your past and start anew. Do you think you'd still be the same person?

Kung ako ang tatanungin, ayoko ng reformat. E ano kung hindi perfect ang buhay ko? So what kung corrupted ang past ko? Ang importante ay natuto ako at nalampasan ko ang mga struggles at pagsubok. In fact, thankful ako dahil sa mga madilim na kabanatang iyon nakilala ko ang mga tunay na nagmamahal sa akin. I'm proud and content of who I am now, and I wouldn't trade it for anything else (spoken like a byukonera, hahaha).

Pagkatapos ma-reformat ang Macbook ko, it will be returned to me in good condition. Yun nga lang, it will be empty. Kaya buti na lang walang reformat sa tao. Who would want to feel empty?

Not me. But how about you?

Sabado, Hunyo 9, 2012

My Daddy Dearest

This coming Monday, 11th of June, ipapalabas na sa GMA ang isang pampamilyang soap opera, ang My Daddy Dearest.

Tampok si Ogie Alcasid bilang si Bong, ang lalakeng maagang nabiyudo at tumayong mag-isang magulang sa anak na si Daisy, na ginagampanan naman ng child wonder na si Milkcah Nacion. Isang kahilingan ang babago sa pagsasama ng mag-ama at susubok sa kanilang katatagan bilang pamilya.

Exciting ang bagong handog ng GMA dahil hindi lang ito hitik sa comedy at drama kundi kapupulutan din ng aral ng mga batang manonood.

Kaya 'wag ninyong palampasin ang My Daddy Dearest, gabi-gabi bago mag-24 Oras sa GMA.