Linggo, Hunyo 10, 2012

Crash and Burn

Nandito 'ko ngayon sa PowerMac, pinapacheck-up ang Macbook ko. Sabi ni Kuya nag-unmount daw yung... teka, ano nga ba yun? Nakalimutan ko yung mga terms, puro teknikal kasi. Basta ang bottomline, nag-crash ang hard drive ko at kelangan ko daw mag-reformat.

Nanlumo ako. Lahat ng files ko, all gone! Lahat ng photos at mga intimate videos namin nina Nick Jonas, Zac Efron at young actor from the other network, wala na rin! I'm devastated. I don't think I deserve this misfortune. Maingat naman ako sa paggamit ng Macbook ko. In fact, bihira ko nga siya gamitin. So, paano nangyari ito?! Bakit?! Nasaan ang katarungan!!

Dali-dali akong naghanap ng dingding upang dumausdos sabay breakdown! Hayuuuuuup!!!

Pero, maya-maya lang, naisip ko na mukha akong tanga sa pag-e-emote ko dahil wala namang camera sa paligid. And I also realized na hindi pa naman katapusan ng mundo just because nag-crash ang hard drive ko. I mean, yung ibang tao ay mas worse pa ang mga problema. Kaya kahit walang direktor na sumigaw ng "cut!" ay tinigil ko na ang pagdadrama ko.

Sa panahon ngayon, masyado nang dependent ang tao sa mga gadgets. Ito na ang kumokontrol sa kanya. Alipin na tayo ng teknolohiya. Kaya pag walang signal ang cellphone or down ang server, nagpapanic na tayo. Kapag nag-crash ang hard drive, naloloka na ang tao.

Kunsabagay, ganun din naman ang reaksyon at mararamdaman natin kapag sunud-sunod ang mga pagsubok na dumadating at problemang pasan natin. Some are driven to the point of desperation. Feeling nila ay magka-crash and burn na sila.

Buti sana kung pwede mag-reformat ang isang tao para mabura lahat ng mga sad memories at bad experiences. Pero kung posible nga yun, would you choose to erase your past and start anew. Do you think you'd still be the same person?

Kung ako ang tatanungin, ayoko ng reformat. E ano kung hindi perfect ang buhay ko? So what kung corrupted ang past ko? Ang importante ay natuto ako at nalampasan ko ang mga struggles at pagsubok. In fact, thankful ako dahil sa mga madilim na kabanatang iyon nakilala ko ang mga tunay na nagmamahal sa akin. I'm proud and content of who I am now, and I wouldn't trade it for anything else (spoken like a byukonera, hahaha).

Pagkatapos ma-reformat ang Macbook ko, it will be returned to me in good condition. Yun nga lang, it will be empty. Kaya buti na lang walang reformat sa tao. Who would want to feel empty?

Not me. But how about you?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento