Lunes, Agosto 27, 2012

14 Years of Fulfilled Dreams

It was June 1998 when I first thought of creating Magwayen.

Ang lakas ng loob ko at ang kapal ng mukha ko na magtayo ng isang theater group sa PLM. Ano ba'ng alam ko, e Engineering student ako? The only experience I had sa teatro ay yung pagsali ko sa Dramatics Guild ng Mapua when I was second year high school.

Siguro, may gusto akong patunayan kaya ko ginawa yun. Nagtayo ako ng isang theater group para masabi ko na may na-achieve ako, para may maiwan akong marka pag-alis ko ng Pamantasan. Umiral ang kayabangan ko, ang kabaliwan ko, ang pagka-ambisyoso ko.

Hindi ako maintindihan ng mga kaklase ko. Wala akong nakuhang suporta mula sa kanila. Kuntento na sila sa normal na buhay estudyante. Pero ako, matagal na akong patay. Mula pa nung mag-enroll ako sa kursong 'di ko gusto ay mistula na lamang akong zombie na iniraraos lang ang bawat schoolyear.

Ang hindi ko maipaliwanag sa kanila ay kung paano akong binuhay muli ng ideya ng pagtatayo ng Magwayen. Para akong adik na hindi kayang bumitiw sa mga planong nabubuo sa isipan ko. Si Jerry Lopez at Archibald Tolentino, sila lang ang naniwala sa akin. Sila lang ang nakinig sa akin, nagpalakas ng loob ko at nagpaniwala sa akin na kaya ko.

Kaya sumugal ako. Tumaya ako ng pikit-mata. At noong Agosto 1998, nabuhay ang Magwayen sa Pamantasan.

Marami ang nagtaas ng kilay. Marami ang tumawa. Ang sakit tanggapin ng mga paghamak nila. Pero tama sila. Hindi pa ako handang maging ama. Marami akong gustong mangyari para sa Magwayen, pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Akala ko kaya ko siyang buhayin ng mag-isa, pero hindi pala.

Dahil sa kayabangan ko, sa pagiging makasarili ko, ako mismo ang unti-unting pumapatay sa Magwayen na nilikha ko.

Hanggang sa dumating si Shengka Mangahas. Nakatagpo ako ng taong naniniwala sa akin. She saw the man i wanted to be and the man I almost was. Pinaalala niya sa akin ang isang bagay na nakalimutan ko na -- ang pagmamahal ko sa teatro at ang saya na dulot sa akin ng pagsusulat.

Bago matapos ang unang taon ng Magwayen, itinanghal ang Hawla. Suddenly, wala nang tumatawa. Ang mga dating nagtaas ng kilay, medyo dumistansya na. Magwayen is still in the game. Bilang Founder ng grupo, para akong ama na nakita ang unang hakbang o narinig ang unang salita ng aking anak. I felt really proud, not of myself, but for the organization. It was a really humbling experience.

Mula noon, sabay kaming nag-grow ng Magwayen. Maraming stage plays at concerts ang aming pinagsamahan. Ngayon, labing-apat na taon na ang grupo. Hindi ko na nararamdaman na mag-isa ako. Marami na akong kapatid, kaibigan at anak sa Magwayen. Ang organization na itinayo ko noon, naging isang ganap nang pamilya.

Ngayon, mas kilala na ang grupo sa pangalang Marulaya. But the organization's objective of honing the talents of its members remain. Ang Magwayen/Marulaya pa rin ang nag-iisang Theater and Performing Arts Group ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

As a testament to the group's commitment of developing its student members, Magwayen/Marulaya has received eight Molave Awards for being the Most Outstanding Non-Academic Student Organization in PLM.

Hindi titigil ang Magwayen/Marulaya sa pagdiskubre at paghubog ng mga Iskong may talento. Sa pagtuntong ng grupo sa kanyang ika-labing-apat na taon, nananatili itong matatag, matapang, malikhain at mapangarap! Patuloy na lumalaki ang ating pamilya!

I may have built Magwayen/Marulaya, but the foundations that kept it standing and strong in the last fourteen years are the members and alumni of the organization.

Happy 14th Anniversary sa atin, Magwayen/Marulaya! Kudos!!!

1 komento: