Wala akong alam na sugal. Marunong akong mag-mahjong, pero I play it with friends for fun, habang nagkakape at nagkukwentuhan. Walang money involved. 'Yan ay dahil busilak ang aking pagkatao at dalisay ang aking puso. Charot! Hahaha.
Ewan ko ba. Hindi lang siguro sold sa akin ang idea na kailangan mong magsugal para lumago ang puhunan mo at kumita ka ng malaking pera. Nung bata ako, madalas mag-away ang parents ko dahil sa pagsusugal ni Papa. Kaya siguro imbes na pagsusugal ang inaral ko ay pagpapalaganap ng world peace ang inatupag ko.
Now, kung pagsugal sa buhay ang topic ng usapan, dyan ako maraming kwento. I'm a risk-taker, and I've made a lot of big and life-changing decisions in my 23 years of existence in this world... Ay, wait, sorry, 32 years pala, char! Haha.
Marami ang nagtatanong kung paano naging writer ng mga soap opera ang isang Computer Engineer na tulad ko. Yung iba, naa-amaze. Yung iba naman nanghihinayang. Sayang daw yung limang taong ginugol ko sa pag-aaral kung di ko naman gagamitin ang degree ko.
Well, kung ako ang tatanungin, ni katiting na regrets ay wala akong nararamdaman para sa career path na pinili ko. I believe na lahat ng tao ay iisa lang ang hangad -- ang maging happy at successful. At sa apat na taong pagtatrabaho ko sa Kapuso Network, with full confidence kong masasabi na happy at successful ako sa ginagawa ko.
Pero hindi naging madali ang daan patungo sa aking kinalalagyan ngayon. Naranasan kong magtyaga sa anim na libo kada buwan na sweldo sa pagtuturo sa isang computer school. Tiniis ko mag-work na ang job title ay Clerk 1 lang. May mga panahon din na nawalan ako ng trabaho -- walang pang-load, walang pang-gimik, walang pang-shopping.
Kaya natuto akong maging patient. And, later, na-realize ko na may pay-off pala ang lahat ng ito.
My teaching stint made me fall in love with being an Educator. I think it's the noblest and most fulfilling profession. Pagtanda ko, nakikita ko ang sarili ko bilang isang teacher, ipinapasa ang natutunan ko sa pagsusulat sa bagong henerasyon ng mga writers.
Nagstart ako sa PLM bilang Clerk 1 lang. Then naging Secretary ako ng Dean. I left the University for two years, kasi nainip ako sa bagal ng promotion. Pero sobrang na-miss ko ang Pamantasan, kaya nag-decide ako na bumalik. I never expected na ilang buwan lang matapos ang pagbalik ko ay magiging pinakabatang Dean ako ng Student Affairs sa PLM.
During the time naman na wala akong trabaho, I spent my days writing. I started working on a story about a young teacher who taught prisoners at a penal colony. That time, hindi ko alam kung mailalako ko ang script sa mga producers, o kung may magkaka-interes na basahin yun at all. A year later, isinali ko ang "KOLONO" sa Palanca Awards for Literature. And my screenplay won second place!
Gaya sa sugal, minsan talo ka. 'Wag ka lang mauubusan ng pasensya, kasi darating din ang oras na ikaw naman ang kakabig. Ikaw naman ang panalo.
In 2007, I was working sa isang call center as part of the training team. Maganda na ang sweldo ko nung time na yun. Pero, bigla akong tinawagan ng friend ko, at sinabi nya sa akin na mag-o-open ang GMA ng writing workshop. Six months daw ang training, walang sweldo. Pero pag nakita nilang magaling ka, iha-hire ka after the workshop.
So, I applied sa workshop, and sobrang epic fail yung naging resulta ng interview ko. Sabi ko sa sarili ko, kung matatanggap pa 'ko sa workshop after my disastrous interview, sign na yun from God na bitiwan ko na ang lahat at i-grab ko na yung opportunity. A week later, tinawagan ako ng GMA. Pasok daw ako sa workshop.
Naalala ko ang promise ko kay God. Kaya binitiwan ko ang lahat. Nag-resign ako sa work, kahit stable na ang job ko that time at malaki na rin ang kinikita ko. Matagal na kasi akong naghihintay na magkaroon ng break sa pagsusulat. Sumugal ako! Itinaya ko ang lahat sa workshop na walang sweldo at walang one hundred percent guarantee ng employment after ng anim na buwan.
At nanalo ako sa sugal na yun! Waging-wagi! Dahil ngayon ay masaya ako sa ginagawa ko at masasabi kong naging successful ako. Hinding-hindi ko pinagsisisihan na binitiwan ko ang lahat para sa GMA. I'm finally right where I belong.
Because of that experience, hindi na ako takot sumugal sa buhay. I'm always ready to take risks. Alam ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako. Pero dahil naranasan ko na rin ang mabigo in the past, hindi ako natatakot na pagdaaanan ulit iyon. Dahil sa mga kabiguan, mas nagiging matamis ang tagumpay. Pag tumaya ka ng malaki, mas fulfilling pag nanalo ka sa sugal.
Ikaw, ano'ng sugal na ang tinayaan mo sa buhay?
Lunes, Setyembre 19, 2011
Sabado, Setyembre 17, 2011
Shamcey Supsup ang Pag-asa ng Bayan
Nanghinayang ang maraming pinoy nang tanghaling 3rd runner-up lamang si Shamcey Supsup, ang ating pambato sa nagdaang Miss Universe pageant. Marami ang naniniwala na she deserved to place higher than that, kasi napakaganda ng kanyang sagot sa Question and Answer portion. Nakaka-proud pa dahil siya lang ang sumagot ng diretsong inggles at hindi gumamit ng interpreter.
Naisip ko tuloy, hindi talaga nagma-matter kung maganda ang sagot mo, o hindi, upang ika'y hiranging Miss Universe. Last year, sabi ng marami, natalo si Venus Raj dahil hindi maganda ang sagot niya sa kanyang Final Question. Kaya bakit si Shamcey, with conviction, substance and confidence ang sagot, pero talo pa rin?
Saan ba dapat lumugar? Alin ba ang tamang diskarte? Ano ang dapat gawin upang magwagi?
Sa bansa natin kung saan 15% lamang ng mga guma-graduate taun-taon ang pinapalad na ma-employ, ano ba ang winning moves upang matanggap sa application? Kumbaga sa Evening Gown Competition ng Miss Universe, nakasalalay ba ang pagpasa mo sa itsura at suot mo during the application process? Deciding factor ba ang Question and Answer portion mo with the Employer? Paano ka ba niya iju-judge? Kelangan mo ba siyang ma-impress sa isang Talent portion?
Kapalpakan ng ating gobyerno ang pangunahing dahilan kaya maraming pinoy na walang trabaho. Pero sa tingin ko, isa pang dahilan kaya ganun kababa ang porsyento ng mga recent graduates na pumapasok sa ating workforce ay dahil maraming kabataang pinoy na magaling lang sa rampahan ngunit kulang sa sustansya ang isipan. Kapos na ang Pinas sa mga Shamcey Supsup, na beauty, glamour and brains. Karamihan sa mga college students ngayon ay iba ang inaatupag imbes na pag-aaral - gimik at inuman, Facebook, Dota, malling, at kung anu-ano pa.
Nagtapos ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Mahal ko ang paaralang ito dahil hinubog nito ang aking isipan at pagkatao. Hindi lamang ako natuto, naranasan ko ring maging lider at mamahala ng iba't-ibang student organizations. Masasabi ko na yung generation ko ng mga Isko (short for Iskolar) ay magagaling, bigatin at nakakabilib. Kami ang mga Shamcey Supsup ng 90's.
Ngunit kapag dumadalaw ako ngayon sa Pamantasan ay labis akong nalulungkot. Maraming hilaw na Isko na naglipana sa paaralang dati'y pinamumugaran lamang ng mga pinaka-magagaling at pinaka-matatalinong mag-aaral. Maraming Isko na freshman o sophomore pa lamang ay linggo-linggo nang lumalaklak ng alak sa Beer Garden, sa Central, sa Sherwood, o sa Coal. Maraming Isko na imbes na mag-aral ay hahatiin ang oras o mas ipa-prioritize pa ang pagsasayaw, cheering o Intrams. Iilan na lamang ang nagpapahalaga sa pagsali sa mga worthwhile na student organizations. Mas gusto pa nilang rumampa sa mga mall kesa mag-outreach project, um-attend ng mga lecture forums, o sumali sa mga leadership training seminars. Maraming Isko ang kuntento nang maka-Tres (pasang-awa). Para bang iniraraos na lang ang kanilang pag-aaral.
Nakaka-proud at nakaka-inspire kapag nababalita na Topnotchers ang mga Isko sa Nursing, PT, Engineering, CPA at Architecture licensure exams. Nakakabilib pag sinasabing hundred percent passing rate ang PLM. Pero, ang hundred percent na iyon ay equivalent lamang sa maliit na bilang ng mga estudyante, kumpara sa bilang ng kanilang batch nung sila'y mga first year pa lamang. Kumbaga, sa sampung estudyante na pumasok sa College of Nursing ay mga apat o lima na lamang ang makakaabot ng fourth year. Ang iba ay nalipat na sa ibang course or worse, nasipa na sa Pamantasan. Labis na nakakapanghinayang, pagkat tila hindi pinahalagahan ng mga estudyanteng ito ang libre o murang edukasyon na ibinibigay ng kanilang paaralan. Mahigit anim na libo ang nais pumasok sa Pamantasan taun-taon, ngunit less than two thousand lamang ang naa-accommodate. Sayang naman ang slot mo sa PLM kung hindi mo pagbubutihin, kung makikipag-barkada ka lang, kung gabi-gabi ka lang na gigimik. Sana ay ibinigay na lang ang slot mo doon sa ibang hindi natanggap ngunit mas may pagpapahalaga sa quality education na ino-offer ng PLM. Parang Miss Universe lang yan e. 89 ang kandidata at marami dun ang gustong-gustong maisuot ang korona. Kung nakapasok ka na sa Top 15, dapat karirin mo na! Ibigay mo na ang best mo! Para hindi ka na maligwak!
Gaya ng maraming pinoy, nais kong umunlad ang Pilipinas. Nais kong tingalain tayo ng ating mga kapit-bahay na bansa. Ngunit mangyayari lamang iyon kung bubuhayin ng mga kabataan ang sinabi noon ni Dr. Jose Rizal, na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Sana ay pangarapin ng bawat pinoy ang korona ng tagumpay. Sana ay karirin nila ang pag-aaral upang makatuntong sa semi-finals at final-round ng kompetisyon ng buhay. Sana ay hindi lang sila magaling sa rampahan para umariba sila sa maraming question and answer portions o pagsubok na kanilang haharapin pagka-graduate nila.
Pagka ginawa natin ang mga ito, lahat tayo ay maaaring maging isang Shamcey Supsup - isang Filipino na ipagmamalaki at magbibigay karangalan sa kanyang bayan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
-
I can't remember watching this much number of Pinoy films within a week. But I'm not complaining. The selection of movies showcased...
-
One might find its title blasphemous. But this film, whose pivotal scene is a dysfunctional family crying over the death of Hudas instead ...