Martes, Abril 1, 2014

Paglabas ng Casa Mula sa Kloseta

I feel so proud na, finally, nagkaroon ng lakas ng loob ang Magwayen to stage 'Walang Umaga sa Casa Ligaya' sa bakuran ng Pamantasan. Noong 2002 kasi, natakot ang grupo na baka harangin ito ng school officials, o i-censor ang content nito. Hindi rin confident ang Magwayen sa magiging reception ng PLM students sa isang dulang tumatalakay sa mga issue gaya ng homosexuality at prostitution.

Pero, gaya ng isang gay person who at last decides to step out of the closet, who ultimately sheds all of his insecurities and inhibitions, at sa wakas ay nakilala ang kanyang sarili at natanggap kung ano siya, nakamit na ngayon ng Magwayen ang kahandaan at paninindigan na itanghal nang buong pagmamalaki ang Casa Ligaya sa loob ng kanyang tahanan -- ang Pamantasan.


Mula sa direksyon ng Magwayen alumnus na si John Borgy Danao, ipinalabas ang Casa Ligaya sa PLM Auditorium noong March 26, 27 and 29, 2014. Itinampok dito ang mga estudyanteng aktor at ilang imbitadong personalidad. Nagkaroon ng pitong show ang grupo. 

Casa Ligaya ang ika-apat na dulang sinulat ko para sa Magwayen. I wrote it in 2001. Never pa 'ko nakakatuntong sa loob ng gay bar noon. Back then, marami pang tagong bakla. Di pa uso ang mga "Bi" o kahit yung mga pa-mhin na laman ng gym at lalake kung pumorma. Wala pang Grindr at Planet Romeo. Bihira pa ang mga eyeballs. Ang mga baklang "tago" na kilala ko sa Pamantasan, mahina ang tingin sa kanilang sarili. May ilang hesitant aminin kung ano talaga sila dahil takot silang iwasan o sumama ang tingin sa kanila ng iba.

Ang "takot" na ito ang pangunahing "kontrabida" sa dulang Casa Ligaya. Nariyan si Liwayway na takot umibig at maniwala na  maaari pa siyang makapagsimulang muli sa piling ng lalakeng matagal nang may gusto sa kanya. Si Chris naman, takot nang magtiwala sa kapwa, dahil tingin niya ay pera at koneksyon lang ang hangad ng iba sa kanya. Si Agnes, nag-uugat ang takot sa insecurities nya, na may ibang makahihigit sa pagmamahal na binibigay nya sa kasintahan. At si Mama Jopay, naging malupit at walang-puso upang pagtakpan at gawing manhid ang sarili sa nakaraang kinatatakutan, at hinaharap na nais iwasan.

Gaya ng mga karakter sa kwento, nilabanan ng Magwayen ang "takot" nito at nagpasyang itanghal ang isang mapangahas na dula sa Pamantasan. Casa Ligaya's interweaving stories talk about love, sacrifice, empowerment and, most importantly, hope! Through this play, Magwayen has found its pride!

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ng aming grupo sa lahat ng mga Isko ng Pamantasan, mga alumni, mga pamilya, mga kaibigan, at mga "taga-labas" na nanood ng Casa Ligaya. Sana ay hindi lamang namin kayo naaliw o napaiyak. Nawa'y nahipo rin namin ang inyong mga puso. Sana'y baunin ninyo ang mga mensaheng nakapaloob sa aming munting kwento.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento