Two days lang ang naging preparation ko for my birthday party this year. Parang noodles at kape lang - INSTANT!
The day before the event ay saka pa lang ako nakahanap ng available na venue na swak sa budget at panlasa ko. May basketball game sa Araneta, so hindi pupwede doon. I tried na ipa-reserve ang buong Boracay, kaso may seminar daw ng mga Barangay officials doon. So, I settled for the hippest, and coolest place in town - sa OASIS. 'Wag ka nang kumontra, basta sikat yun, tapos! Hahaha.
Kahit late na ako nakapag-imbita ng mga kaibigan ay jampacked pa rin ang party. More than 70 people came para makigulo, maki-lapang, at magpakabangenge sa alak.
Touched ako dahil dumating si Sir RJ Nuevas, isang haligi sa industriya ng Komiks noon, at isang kinikilalang pangalan sa mundo ng telebisyon ngayon. Saya ng chikahan namin, with his friend Doc Alain. Nakakalungkot lang dahil hindi nakarating ang ibang mga writers ng GMA. May mga deadline siguro. Buti na lang, natapat na wala akong sinusulat this week. Swerte talaga ang mga tulad kong may kambal-ahas! Chos!
Dumating ang mga students ko sa CWTS noon. Happy ako kasi parang reunion namin that night. Kaya pala hindi sila nag-rereply sa text invitation ko, gusto nilang masorpresa ako sa pagdating nila. In fairness, na-surprise naman ako. Sila lang ang grupong kumanta sa akin ng Happy Birthday. Porke walang cake ang Mamang Malaki ang Tiyan, dedma na yung iba sa pag-sing ng Happy Birthday. Palibhasa, mga lasing na! Hahaha.
Nagpunta rin ang mga kinakapatid kong Pantal na sina Jan-Jan at Tai-Tai, with Miss Denise. May inabot silang gift, galing kina Thee Jay at Carla. Later on, i found out na ang laman pala ng box ay isang vintage style Fossil watch. Ang tutyal! Haha. Abot-tenga ang ngiti ng Mamang Malaki ang Tiyan. Hindi kasi sanay maregaluhan ng mamahalin. Madalas kasing notebook o ballpen ang nireregalo sa akin dahil daw writer ako. Hindi ba nila alam na may laptop ako at doon ako sumusulat ng script?!
In full force ang mga Marulaya people. Dagsa ang mga elders. Ang saya ng get-together. As always, sila ang nagbigay-buhay sa party. Nag-transform pa si Carlo into Teacher Georcelle, at bumangka ng sayaw. Si Shiela naman, binakuran ng isang bagets. Samantalang si Boggs ay muntik nang ma-harass. Sa gitna ng lahat ng ito, si Shengka naman ay gume-get-to-know kina Gino at Johann, mga jowa ng mga minamahal niyang kasama sa grupo. Kung hindi mo kilala ang mga taong nabanggit ko sa paragraph na ito, wala akong pakialam sa 'yo, bahala ka sa buhay mo. Nakikibasa ka lang 'no! Charot! Hahaha.
Marami ang nagke-claim na nalasing daw ako ng todo. Basag na basag daw ako. Kaya nung bandang ala-una ay nagkulong daw ako sa CR at nagtawag ng uwak. Haller! Kayong mga detractors ko, get your facts straight! Mga doves and pigeons po ang tinawag ko! At hindi ako nagkulong sa CR, ikinulong ako against my will! I told them to let me go, nanlaban ako, pero sa halip na pakawalan ako ay ininjectionan pa nila ako ng Vitamin B12 chuchu. Which turned out to be effective. Kaya after the injection, balik na ako sa party na fresh na fresh at nahimasmasan, hahahaha.
Mayroon din pala akong guest na OFW - si Mickey at yung wife niyang si Cathy. Kasama nila ang mga drinking buddies ko na sina Igoy at Kenet. Sayang at hindi ko sila masyadong na-chika. Pero mabuti na rin yun, kesa maungkat pa ni Cathy ang nakaraan namin ng gwaping nyang jowa, hahaha.
Thank you din sa paglusob ng Crisostomo family. Ang taray, color coordinated silang lahat. Naka-violet shirts, even si Tatay. Napatingin nga lahat ng guest ko sa pagdating nila. Akala yata, sila yung dessert - ube halaya, nyahahaha.
Gusto kong i-special mention sina Gabby, Bong, Gino, Arthus at Mykel na siyang mga tumulong sa akin at bumuhay ng aking pag-asa na matutuloy pa ang Just Wanna Be With You @ 32, kahit sobrang cheesy at corny ng theme ng party, hahahaha.
And on a serious note (naks), thank you sa mga Bio/BMS friends ko at sa Pantal brothers for assisting me nung basag na basag ako. Promise, next year, Iced Tea na lang ang iinumin ko! Kasi, sabi ni Ate Neth, yung mga lalake daw, panay ang hipo sa akin at pinagsasamantalahan na ako dahil sobrang drunk nga ako. Haaay... These men! Gawin nila yun pag conscious ako, para naman ma-enjoy at maalala ko! hahahaha.
All in all, the party was a blast. I was with the company of the people I love. At sobrang naramdaman ko na loved ako nung gabing yun.
Bonus na lang na hindi ko kinailangang gumastos ng singkwenta mil, hehehe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento