Biyernes, Hulyo 22, 2011

Mga Taong Kumumpleto sa Birthday Ko

1. Nag-organize ng surprise party ang mga friends ko from Tugon. Ginanap lang naman sa isang suite ng Ascott Makati. Muntik na kong mapa-tambling pagpasok ko ng suite kasi inabutan ko silang nagpe-prepare pa lang. Imbes na ako ang ma-surprise, sila ang nasorpresa ko. Hahaha. All over the suite ay nagkalat ang mga photos ko. Sa curtains ng window ay may letter cut-outs ng birthday greeting. We had chinese food for dinner. Then, nag-inuman hanggang sa mag-umaga. Ang sarap ng bonding at kwentuhan. Kaya sobrang thank you Kat, Joan, Randy, Johann, Gabby, Bong, Kuya Rico, Alex, Kervin, archie, Jonelle, Carlo, Cez, and Eloi.

2. Eksaktong alas-dose ng gabi, pagtuntong ng ika-21 ng July, ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang malapit na kaibigan sa Singapore. Nag-abang ng midnight sina Theejay, ang wife niyang si Carla, ang Mama niyang si Tita Susan at ang baby nilang si Kiersten para maging unang-una sila sa pagbati sa akin. Sobrang na-touch ako. Para talagang second family ko na sila.



3. Bilang ako ay may pusong fan, sobrang na-touch ako sa mga video greetings na kinalap ng friend kong si Neth. Take note, di lang mga Kapuso artists, may dalawang Kapamilya stars din. Kinilig ako kasi puro boys, hahaha. Thank you, Neth. Da best ka.

4. Namrublema ako kung saan gagawin ang birthday party ko on Saturday. Wala kasi akong time para asikasuhin siya. Buti na lang at may mga kaibigang tumulong sa akin para makahanap ng magandang lugar. Kaya sobrang thank you, Gian, Gabby, Bong, Mykel and Yen. Kita-kits sa OASIS ngayong saturday night. Basagan na naman ito! Shot, shot, til we drop!

5. Almost 800 greetings and messages on Facebook ang natanggap ko. Sobrang nakakataba ng puso dahil damang-dama ko ang dami ng mga nagmamahal sa akin. Maraming salamat sa mga nakaalala at nag-abala para bumati. Talagang sinikap ko na makapag-reply sa bawat isa sa inyo upang masabi na pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan natin. Sa mga tumawag pa upang bumati, kagaya nina Kenneth, Tita Beng, Shengka, Shiela, at Rolan, sobrang thank you. Sa mga nagbigay ng gifts - Jonelle, Borgy and the Housemates, Carlo, Eva, Archie and Joan, maraming salamat sa thoughtfulness ninyo. Special mention kina Sir RJ Nuevas at Ms. Suzette Doctolero, thank you po sa mga magagandang sinabi ninyo sa akin. sa mga kaibigan ko from Marulaya, Tugon-RESCUE at BMS, salamat at hindi kayo nakakalimot. At sa family ko, na laging nandyan para sa akin, kahit minsan ay may mga di pagkakaunawaan, mahal na mahal ko kayong lahat.

Sayang at hindi nakarating sina  Zac Efron at Nick Jonas. Pero kung dumating man sila, bonus na lang sila. Dahil kahit wala sila, nakumpleto na ang araw ko. I'm so happy to be thirty two.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento