Ayaw ni Papa na maging iba ako. Gugulpihin nya raw ako. Kaya nabuhay ako sa pagtatago. Hindi ko pinayagan ang sarili ko na magkagusto sa ibang lalake. Nilabanan ko kung ano talaga ako. Naging malungkot ako sa loob ng matagal na panahon.
Hanggang sa isang araw, natanim na lang sa utak ko na hindi ako karapat-dapat mahalin ng kahit sino. Na tatanda akong mag-isa. Na never akong magkakaroon ng love story.
Huli na nung ma-realize ko na hindi si Papa ang problema. Na ako ang may diperensya. Pagkat choice ko kung magpapakatotoo ako. Na sariling desisyon ko ang kaligayahan ko.
My only regret about being gay is that I supressed it for so long. I surrendered my youth to the people I feared when I could have been out there loving someone.
Don't make that mistake yourself. Life's too damn short.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento