Huwebes, Agosto 4, 2011

Hoping and Waiting

Hindi ko alam kung bakit may kurot sa puso ko tuwing pinapakinggan ko ang FANTASY album ni Ate Regine. Parang ang sarap ma-in love, ang sarap na mag-belong to someone, habang ninanamnam ko ang bawat words at napakagandang melody ng mga songs ni idol.

Several nights ago, I found myself talking to God. Not in a prayer kind of way. I was simply talking to my God. Medyo hilam ang mga mata ko sa luha, as I was telling Him na kung may nakalaan na isang tao para sa akin, sana ay i-lead na niya ito sa akin. Ang demanding ko 'no? Well, hindi naman sa pagod na akong maghintay. Ang sa akin lang, sayang yung oras na magkasama na sana kaming dalawa kung mauubos lang sa hanapan at hintayan. If I find true love, I'm hoping we could spend the rest of our lives together, not what's left of our lives.


Pero, sabi ko rin kay God, kung wala sa plano niya na may makatuluyan ako, no hard feelings! Okay lang sa akin. Ang tanging request ko lang ay bigyan niya ako ng lakas na kayanin yung pagsumpong ng kalungkutan at pangungulila paminsan-minsan, o kadalasan.

I'm a believer of relationships. I'm a fan of love stories. I listen a lot to love songs. At yung kurot sa puso na nararamdaman ko pag nakikinig sa love songs, siguro ay hope yun. Hindi ko alam ang plano ni God para sa akin. Pero ayokong dedmahin ang hope.

I am hoping. I will be waiting.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento