Lunes, Agosto 29, 2011

Gym Bulag!


Mahal magpapayat.

'Yan ang realization ko simula nung mag-decide ako na mag-enroll sa gym, after forty-eight thousand years ng pag-uurong-sulong.

Membership pa lang sa gym ay umabot na ng halos ten kyaw (ten thousand, in layman's terms). Hindi ko naman alam kung para saan yung Admin Fee, at iba pang achuchuchu fees na kasama sa binayaran ko. Sinubukan kong mag-demand na alisin yung mga hidden costs na yun, pero required daw na bayaran lahat yun. O, sige na nga, mayaman naman ako at madaling kausap, chos!! Haha.

After ko mag-enroll, binigyan ako ng grand tour ng gym at mga facilities nito. In fairness, parang alien technology ang mga equipment sa paningin ko. Sangkaterba pala ang machines na maaaring gamitin para patambukin ang dibdib, pausliin ang mga biceps, at palitawin ang mga pandesal sa abs. In fairness, friendly naman yung Personal Trainers na nag-assist sa akin. I asked for a female trainer. Para hindi ako ma-conscious magtanong ng magtanong. Kasi, kung lalake ang kukunin ko, baka mawala ang focus ko sa pagpapapayat at mapunta sa pagpapa-cute, hahaha. After all, ang habol ko talaga sa pag-enroll sa gym ay ang magbawas ng timbang, at hindi magkaron ng lovelife. Pero kung magkaron man along the way, hindi na ako magpapaka-choosy 'no! Charot!!

Sabi ng Nutritionist, over weight daw ako, pero konti lang ang lampas ko sa threshold ng average o normal weight. In short, hindi ko pa ka-level yung mga contestant sa Biggest Loser, haha. Sa unang weigh-in ko, I tipped the scale at 173 lbs. Hindi naman ganun kalaki ang fat mass ko, at maganda ang Basal Metabolic Rate ko (ang taray, kung makapag-jargon, haha). So, I only need to lose like 15 to 20 lbs to be in shape. Target ko na ma-achieve ito in the next three months.

Hindi ko priority na magkaroon ng killer abs, big guns, at bulky pecs. Mas habol ko na magkaroon ng regular exercise. Sa uri kasi ng trabaho ko, which is pagsusulat, wala akong masyadong physical activity. Lagi lang akong naka-upo. Very sedentary ang lifestyle ko. Tumatanda na rin naman ako, so I have to take care of my health, para mas magtagal pa ako sa mundong ito to spread peace, love and harmony! Hahaha.

Gaya ng lahat ng mga baguhang gym buffs, may psychological effect sa akin ang pagwo-workout. After my initial trainings, mas conscious na ako sa mga kinakain ko. 'Di na ako parang construction worker kung lumapang. Mas madalas na ako kumain ng vegies at fruits. Bawas na sa rice at carbs. 'Di na ako tumitira ng mga chichirya. Water at herbal tea na lang ang iniinom ko, banned na ang softdrinks, iced tea at beer (hmmm, yung beer, siguro babawasan ko lang, 'wag namang i-ban, hahahaha). Nagte-take na rin ako ng vitamins. And I try to get longer sleep (this one ay medyo mahirap dahil talagang sira na ang body-clock ko at hirap na akong matulog). Hindi ko na rin dine-deprive ang sarili ko, gaya ng ginagawa kong pagda-diet before. I eat regularly, pero small portions na lang, at nakabantay ako sa nutritional contents nito (sabeh?!!). Sa madaling salita, mas disiplinado na ako sa pagkain ko ngayon. With this, and my thrice a week training, feeling ko ay talagang pumapayat na ako at mas nagiging healthy.

Kaya naman five days after my first weigh-in ay na-excite akong timbangin ulit ang sarili ko. I lost 7 lbs of fat mass, and gained 4 lbs of muscle mass. So, from 173 lbs ay 170 lbs na lang ako. Biruin mo yun, I lost 3 lbs of weight in just 5 days! Para sa akin, malaking achievement na ito! The feeling of fulfillment is way better than sex (hmmm, parang hindi rin, pero sige na nga, kunwari totoo na lang, hahaha).

Now, I wanna say a BIG thank you to my Personal Trainer na si Regene Ong. Kung familiar sa iyo ang name niya, tama ka, siya nga yung isa sa mga semi-finalists ng Philippine Idol. She's a really nice and charming gal. At napaka-patient niya pagka nagpapasaway ako during training. At least, kahit wala akong kasabay na friends tuwing workout, I have her by my side (sabay tulo ng luha sa kaliwang mata, with matching background music na Somebody ng Depeche Mode, hahaha. Babatukan ko ang magsabi ng "eew"). Oo nga pala, one of my best friends, si Carlo, ay nagte-train din in the same gym. Minsan nagkakasabay pa kami ng workout. Sino kaya sa amin unang makaka-achieve ng goals namin? Kung hindi ako tatamarin at hindi mawawala ang disiplina ko sa pagkain, feeling ko ako (Host: And the crown goes to Marlon... Carlo, thank you, but you're just the first runner-up, hahahaha)
 
I'm on my second week of going to the gym. I'm glad na hindi pa rin nababawasan ang motivation at excitement ko each time I go on training. Sa mga kaibigan kong nag-e-encourage sa akin na ipagpatuloy ito, maraming salamat sa inyo. Kelangan ko ang moral support ninyo. I'm glad to be putting my time, and my money, into something worthwhile. Kaya, siguro, dapat ay baguhin ko na ang first statement sa post kong ito.

Mahal KO ang magpapayat.

2 komento:

  1. So paano 'yan, pag na-achieve mo na ang pagpapapayat, kailangan mong palitan ang pangalan ng blog mo :)

    TumugonBurahin
  2. You got a point there, blurredlights, hehe. I'll cross the bridge when I'm 150 lbs na lang.

    TumugonBurahin