Nakakasawa na ang mga pangit na balitang napapanood ko sa TV at nababasa sa dyaryo. Sa Twitter, madalas nagpaparinigan at nag-aaway ang mga tao. Sa Facebook, ang daming status na puno ng angst at ka-bitteran. Madaming reklamo ang mga Pinoy sa size ng pandesal, presyo ng kuryente, traffic, at patakbo ng gobyerno. Ang mga bagyo at iba pang kalamidad, dulot daw ng climate change, na bunga naman ng pang-aabuso ng tao sa ating mundo.
Wala na bang pag-asa na mabago ang lahat ng ito?
I don't think so. Posibleng makamit ang pagbabago. Sobrang cliche, pero magsisimula ang pagbabago sa ating mga sarili. You might be thinking, how can I make a difference, e simpleng tao lang naman ako? Wala naman akong posisyon sa gobyerno. Hindi naman ako sikat. Sinong makikinig sa akin? Sinong papansin sa akin?
We think of ourselves as insignificant. Pero mali yun. We may be a single thread in a vast tapestry, but we are still part of the grand design. May papel na ginagampanan ang bawat isa sa atin. May purpose tayo. Ngayon, kung hindi mo gagampanan ang purpose na yun, that's the time that you should think of yourself as insignificant, irrelevant.
Pero ang pagbabago ng sarili ay hindi kasing-dali ng pagcha-change outfit. Kailangan na may paninindigan ka, para maging malalim ang pundasyon ng kagustuhan mong magbago. Kasi kung hindi rooted sa puso mo ang desire na magbago, baka hindi ka makuntento sa isinuot mo at mag-try ka ng iba pang outfit. In the end, puro sa umpisa lang ang pagbabago mo at walang magtatagal. Useless, at aksaya lang ng panahon.
So if you really wanna change the world, think about it thoroughly. What change can you start by yourself, what can you accomplish on your own? It can be as simple as pagtatapon ng basura sa tamang lugar, pagtigil sa paninigarilyo, pagpatay ng mga electronic appliances na hindi ginagamit, pagtitipid sa tubig, pagiging magalang sa mga nakakatanda, pag-attend ng misa tuwing Linggo, pagboto tuwing eleksyon, pag-volunteer sa mga proyektong naglalayon na linisin ang Ilog Pasig o ang La Mesa Dam o sagipin ang Childhaus Halfway Home for Children, at marami pang iba.
Maraming simpleng bagay ang pwede mong simulang gawin ngayon, mga pagbabago na tila napakaliit, ngunit maaaring maging magandang halimbawa para sa iba at magsimula ng ripple towards bigger changes.
Noong 1986, dahil sa People Power ay napatalsik natin si Marcos at nawakasan ang diktadurya sa Pilipinas. Hindi naganap ang makasaysayang pagbabagong iyon nang dahil lamang kay Cory Aquino. Nangyari yun dahil sa libu-libong taong dumagsa sa EDSA. At bawat isa sa kanila ay may papel na ginampanan para sa pagbabago.
I remember what Dana Scully once said - There are extraordinary men and women, and there are extraordinary moments when history leaps forward on the backs of these individuals. But no one gets there alone. While we commemorate the greatness of these events and the individuals who achieved them, we cannot forget the sacrifices of those who made these achievements and leaps possible.
Hindi lahat tayo ay maaaring maging isang Cory Aquino, o Mahatma Ghandi, o Mother Teresa, o Martin Luther King. Pero sa mga simpleng taong gaya natin nakasalalay ang pag-abot nila sa tugatog ng kanilang adhikain. Bahagi tayo ng pagbabago.
Sana, pagkabasa mo nito, sa pagharap mo sa salamin matapos ang change outfit, maisip mo rin ang changes na maaari mong simulan sa iyong sarili.
Make a difference today.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento