Huwebes, Oktubre 13, 2011

Home, Sweet Home!

(NOTE: I wrote this entry two weeks ago, before boarding a plane to Singapore)


It's the third time this year that I'm travelling out of the country. It's my second trip to Singapore in 2011. Biglaan ang byaheng 'to. I booked the flight two days ago. Nag-empake ako kaninang alas-dos. I attended a meeting pa at four. Got home around 6:30. Took a cab to the airport. And now I have an hour to kill bago mag-board ng eroplano.

Excited ako to spend the weekend in Singapore hindi para mamasyal at ma-amaze sa yaman at ganda ng bansang 'yun. I'm going there to be with friends who are based there already. So, even if I'm actually going away, it feels like I'm going home pa rin.

Going home. That's the best feeling in the world for me.

Pagkatapos ng maghapong paguran sa trabaho, ang sarap umuwi para manood ng TV, humigop ng mainit na sabaw ng noodles, or dumeretso sa kama.

Kahit masaya ang bakasyon, there comes a point that you get homesick and want to see familiar faces and go to familiar places again.

Kapag may problema ka, or malungkot ka, or galit ka sa mundo, gustung-gusto mo makarating agad ng bahay para magkulong at magmukmok, kasi you feel safe there.

Home is your sanctuary, a place where you are king, where you have absolute freedom.

Para sa mga Pinoy, ang tahanan ay madalas nangangahulugan rin ng pamilya. Hindi mahalaga kung maliit o malaki ang bahay, kung nasaan ito, kung inuupahan ba ito o pagmamay-ari. Kapag kumpleto ang pamilya at masaya, nagiging mansyon ang isang barung-barong. Kapag magkakagalit o may 'di pagkakaunawaan ang mga myembro ng pamilya, parang inaanay ang bahay o may tagas ang bubong. Kapag kulang o wala ka nang pamilyang uuwian dahil may umalis o may pumanaw, parang umuuwi ka rin sa kawalan, sa isang invisible na bahay, o isang bahay na nag-evaporate.

Kaso, iba na ang generation ngayon. Hindi na kasing-halaga ang tahanan ngayon gaya noon. Hindi na nakikita ng iba ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya upang bigyang buhay ang isang bahay. Maraming kabataan ang parang boarders na mas mahaba pa ang oras sa barkada at galaan, kesa sa inilalagi nila sa bahay. Maraming magulang ang kulang na kulang o walang oras sa pamilya, dahil ibinubuhos lahat sa trabaho. Ang mga maliliit na bata, hindi nagagabayan ng maayos dahil hindi namo-monitor ang pinapanood nila sa TV o ang napupulot nilang mga pananalita't kilos sa paglalaro sa kalsada.

Nagsawa na ba ang mga Pinoy sa pag-uwi sa isang tahanan?

Sana ay hindi. Pagkat para sa akin ay napakahalaga ng isang tahanan, ng isang buong pamilya. Hindi man ako lumaki sa maginhawa at perpektong pamilya, buo kami at nagmamahalan. Maraming beses kaming nagbabangga ng mga kapatid ko, pero hindi kami sumusuko na muli kaming magkakabati.

Sina Kat at Kay, na pareho kong mga kaibigan, ay parang mga karakter ng isang teleserye. Maraming drama na pinagdaanan ang magkapatid na ito, at saksi ako sa away-bati nila noon. Ngunit batid nila na hindi magigiba ng anumang misunderstanding o away ang bond nila bilang magkapatid. Sa paglipas ng panahon, ay hindi pa rin perpekto ang kanilang samahan. Ngunit mas palagay na ang loob nila, na sakaling subukin muli ng pagkakataon ang kanilang pagiging magkapatid, sa bandang huli ay sila pa rin ang magkakampi. Kapwa may sari-sarili nang pamilya sina Kat at Kay. Both are now based in Singapore. At naniniwala ako na ang mga natutunan nila sa kanilang nakaraan ay ibabahagi nila sa kanilang mga anak. Kasama na doon ang kahalagahan ng pamilya, at ng tahanan.

*********

Nitong nakaraang linggo ay humagupit ang bagyong Pedring at Quiel. Maraming kababayan natin ang nawalan ng tirahan. May ibang nawalan rin ng kanilang mga minamahal. Nakakadurog ng puso pag nakikita mo ang mga video sa balita. Parang nararamdaman mo rin ang pain ng mga biktima.

Nakakalungkot isipin na kailangan pa ng mga trahedyang tulad nito upang matauhan ang iba sa atin at ma-realize ang halaga ng mga taong mahal natin. Kailangan pa nating makaranas ng kalamidad upang isantabi ang mga 'di pagkakaunawaan, at muling yakapin ang isa't-isa. Kailangan pa nating makitang nagdurusa ang iba bago natin buksan ang ating mga palad upang magbigay.

Pare-pareho tayong mga Pinoy. At ang Pilipinas ay tahanan nating lahat. Ibig sabihin, isang malaking pamilya tayo. Kaya sana ay matuto ang bawat Pinoy na magmalasakit sa kanyang kapwa. Huwag tayong magsiraan at maghatakan pababa. Huwag tayong magkibit-balikat at tumalikod sa mga nangangailangan.

Sa maliit mong paraan, tumulong ka sa iyong kapwa. Simulan mo sa iyong pamilya. Maging mabuti at responsable kang magulang. Maging mapagmahal at mapag-aruga kang kuya o ate. Sa gayong paraan ay made-develop natin ang kultura ng pagkalinga. Magiging second nature na natin ang pagtulong sa kapwa. Hindi yung tuwing may bagyo o lindol lang tayo nagiging matulungin.

Masdan mo ang kalsada, maraming batang palaboy ang napapariwara. Apektado ka ba pag nakikita mo sila? Mahirap bang sundan ang halimbawa ni Efren Penaflorida? Dadaan-daanan na lang ba natin ang mga batang ito at hahayaan silang lumaki bilang mga kriminal o mga puta?

'Pag nagdadasal tayo ay lagi tayong humihingi ng blessings. Bakit hindi kaya natin hilingin na maging blessing naman tayo sa iba. Wala namang mawawala sa pagtulong o sa pagbabahagi ng iyong sarili sa kapwa. Sa halip ay mas pinagyayaman mo ang iyong sarili bilang isang Kristyano. Pinapatuloy mo ang iyong kapwa sa isang tahanan -- ang iyong matukunging puso.

Ikaw, kaibigan? Buo ba ang iyong tahanan?

Lunes, Setyembre 19, 2011

Isa Akong Sugalero!

Wala akong alam na sugal. Marunong akong mag-mahjong, pero I play it with friends for fun, habang nagkakape at nagkukwentuhan. Walang money involved. 'Yan ay dahil busilak ang aking pagkatao at dalisay ang aking puso. Charot! Hahaha.

Ewan ko ba. Hindi lang siguro sold sa akin ang idea na kailangan mong magsugal para lumago ang puhunan mo at kumita ka ng malaking pera. Nung bata ako, madalas mag-away ang parents ko dahil sa pagsusugal ni Papa. Kaya siguro imbes na pagsusugal ang inaral ko ay pagpapalaganap ng world peace ang inatupag ko.

Now, kung pagsugal sa buhay ang topic ng usapan, dyan ako maraming kwento. I'm a risk-taker, and I've made a lot of big and life-changing decisions in my 23 years of existence in this world... Ay, wait, sorry, 32 years pala, char! Haha.

Marami ang nagtatanong kung paano naging writer ng mga soap opera ang isang Computer Engineer na tulad ko. Yung iba, naa-amaze. Yung iba naman nanghihinayang. Sayang daw yung limang taong ginugol ko sa pag-aaral kung di ko naman gagamitin ang degree ko.

Well, kung ako ang tatanungin, ni katiting na regrets ay wala akong nararamdaman para sa career path na pinili ko. I believe na lahat ng tao ay iisa lang ang hangad -- ang maging happy at successful. At sa apat na taong pagtatrabaho ko sa Kapuso Network, with full confidence kong masasabi na happy at successful ako sa ginagawa ko.

Pero hindi naging madali ang daan patungo sa aking kinalalagyan ngayon. Naranasan kong magtyaga sa anim na libo kada buwan na sweldo sa pagtuturo sa isang computer school. Tiniis ko mag-work na ang job title ay Clerk 1 lang. May mga panahon din na nawalan ako ng trabaho -- walang pang-load, walang pang-gimik, walang pang-shopping.

Kaya natuto akong maging patient. And, later, na-realize ko na may pay-off pala ang lahat ng ito.

My teaching stint made me fall in love with being an Educator. I think it's the noblest and most fulfilling profession. Pagtanda ko, nakikita ko ang sarili ko bilang isang teacher, ipinapasa ang natutunan ko sa pagsusulat sa bagong henerasyon ng mga writers.

Nagstart ako sa PLM bilang Clerk 1 lang. Then naging Secretary ako ng Dean. I left the University for two years, kasi nainip ako sa bagal ng promotion. Pero sobrang na-miss ko ang Pamantasan, kaya nag-decide ako na bumalik. I never expected na ilang buwan lang matapos ang pagbalik ko ay magiging pinakabatang Dean ako ng Student Affairs sa PLM.

During the time naman na wala akong trabaho, I spent my days writing. I started working on a story about a young teacher who taught prisoners at a penal colony. That time, hindi ko alam kung mailalako ko ang script sa mga producers, o kung may magkaka-interes na basahin yun at all. A year later, isinali ko ang "KOLONO" sa Palanca Awards for Literature. And my screenplay won second place!

Gaya sa sugal, minsan talo ka. 'Wag ka lang mauubusan ng pasensya, kasi darating din ang oras na ikaw naman ang kakabig. Ikaw naman ang panalo.

In 2007, I was working sa isang call center as part of the training team. Maganda na ang sweldo ko nung time na yun. Pero, bigla akong tinawagan ng friend ko, at sinabi nya sa akin na mag-o-open ang GMA ng writing workshop. Six months daw ang training, walang sweldo. Pero pag nakita nilang magaling ka, iha-hire ka after the workshop.

So, I applied sa workshop, and sobrang epic fail yung naging resulta ng interview ko. Sabi ko sa sarili ko, kung matatanggap pa 'ko sa workshop after my disastrous interview, sign na yun from God na bitiwan ko na ang lahat at i-grab ko na yung opportunity. A week later, tinawagan ako ng GMA. Pasok daw ako sa workshop.

Naalala ko ang promise ko kay God. Kaya binitiwan ko ang lahat. Nag-resign ako sa work, kahit stable na ang job ko that time at malaki na rin ang kinikita ko. Matagal na kasi akong naghihintay na magkaroon ng break sa pagsusulat. Sumugal ako! Itinaya ko ang lahat sa workshop na walang sweldo at walang one hundred percent guarantee ng employment after ng anim na buwan.

At nanalo ako sa sugal na yun! Waging-wagi! Dahil ngayon ay masaya ako sa ginagawa ko at masasabi kong naging successful ako. Hinding-hindi ko pinagsisisihan na binitiwan ko ang lahat para sa GMA. I'm finally right where I belong.

Because of that experience, hindi na ako takot sumugal sa buhay. I'm always ready to take risks. Alam ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ako. Pero dahil naranasan ko na rin ang mabigo in the past, hindi ako natatakot na pagdaaanan ulit iyon. Dahil sa mga kabiguan, mas nagiging matamis ang tagumpay. Pag tumaya ka ng malaki, mas fulfilling pag nanalo ka sa sugal.

Ikaw, ano'ng sugal na ang tinayaan mo sa buhay?

Sabado, Setyembre 17, 2011

Shamcey Supsup ang Pag-asa ng Bayan

Nanghinayang ang maraming pinoy nang tanghaling 3rd runner-up lamang si Shamcey Supsup, ang ating pambato sa nagdaang Miss Universe pageant. Marami ang naniniwala na she deserved to place higher than that, kasi napakaganda ng kanyang sagot sa Question and Answer portion. Nakaka-proud pa dahil siya lang ang sumagot ng diretsong inggles at hindi gumamit ng interpreter.

Naisip ko tuloy, hindi talaga nagma-matter kung maganda ang sagot mo, o hindi, upang ika'y hiranging Miss Universe. Last year, sabi ng marami, natalo si Venus Raj dahil hindi maganda ang sagot niya sa kanyang Final Question. Kaya bakit si Shamcey, with conviction, substance and confidence ang sagot, pero talo pa rin?

Saan ba dapat lumugar? Alin ba ang tamang diskarte? Ano ang dapat gawin upang magwagi?

Sa bansa natin kung saan 15% lamang ng mga guma-graduate taun-taon ang pinapalad na ma-employ, ano ba ang winning moves upang matanggap sa application? Kumbaga sa Evening Gown Competition ng Miss Universe, nakasalalay ba ang pagpasa mo sa itsura at suot mo during the application process? Deciding factor ba ang Question and Answer portion mo with the Employer? Paano ka ba niya iju-judge? Kelangan mo ba siyang ma-impress sa isang Talent portion?

Kapalpakan ng ating gobyerno ang pangunahing dahilan kaya maraming pinoy na walang trabaho. Pero sa tingin ko, isa pang dahilan kaya ganun kababa ang porsyento ng mga recent graduates na pumapasok sa ating workforce ay dahil maraming kabataang pinoy na magaling lang sa rampahan ngunit kulang sa sustansya ang isipan. Kapos na ang Pinas sa mga Shamcey Supsup, na beauty, glamour and brains. Karamihan sa mga college students ngayon ay iba ang inaatupag imbes na pag-aaral - gimik at inuman, Facebook, Dota, malling, at kung anu-ano pa.

Nagtapos ako sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Mahal ko ang paaralang ito dahil hinubog nito ang aking isipan at pagkatao. Hindi lamang ako natuto, naranasan ko ring maging lider at mamahala ng iba't-ibang student organizations. Masasabi ko na yung generation ko ng mga Isko (short for Iskolar) ay magagaling, bigatin at nakakabilib. Kami ang mga Shamcey Supsup ng 90's.

Ngunit kapag dumadalaw ako ngayon sa Pamantasan ay labis akong nalulungkot. Maraming hilaw na Isko na naglipana sa paaralang dati'y pinamumugaran lamang ng mga pinaka-magagaling at pinaka-matatalinong mag-aaral. Maraming Isko na freshman o sophomore pa lamang ay linggo-linggo nang lumalaklak ng alak sa Beer Garden, sa Central, sa Sherwood, o sa Coal. Maraming Isko na imbes na mag-aral ay hahatiin ang oras o mas ipa-prioritize pa ang pagsasayaw, cheering o Intrams. Iilan na lamang ang nagpapahalaga sa pagsali sa mga worthwhile na student organizations. Mas gusto pa nilang rumampa sa mga mall kesa mag-outreach project, um-attend ng mga lecture forums, o sumali sa mga leadership training seminars. Maraming Isko ang kuntento nang maka-Tres (pasang-awa). Para bang iniraraos na lang ang kanilang pag-aaral.

Nakaka-proud at nakaka-inspire kapag nababalita na Topnotchers ang mga Isko sa Nursing, PT, Engineering, CPA at Architecture licensure exams. Nakakabilib pag sinasabing hundred percent passing rate ang PLM. Pero, ang hundred percent na iyon ay equivalent lamang sa maliit na bilang ng mga estudyante, kumpara sa bilang ng kanilang batch nung sila'y mga first year pa lamang. Kumbaga, sa sampung estudyante na pumasok sa College of Nursing ay mga apat o lima na lamang ang makakaabot ng fourth year. Ang iba ay nalipat na sa ibang course or worse, nasipa na sa Pamantasan. Labis na nakakapanghinayang, pagkat tila hindi pinahalagahan ng mga estudyanteng ito ang libre o murang edukasyon na ibinibigay ng kanilang paaralan. Mahigit anim na libo ang nais pumasok sa Pamantasan taun-taon, ngunit less than two thousand lamang ang naa-accommodate. Sayang naman ang slot mo sa PLM kung hindi mo pagbubutihin, kung makikipag-barkada ka lang, kung gabi-gabi ka lang na gigimik. Sana ay ibinigay na lang ang slot mo doon sa ibang hindi natanggap ngunit mas may pagpapahalaga sa quality education na ino-offer ng PLM. Parang Miss Universe lang yan e. 89 ang kandidata at marami dun ang gustong-gustong maisuot ang korona. Kung nakapasok ka na sa Top 15, dapat karirin mo na! Ibigay mo na ang best mo! Para hindi ka na maligwak!

Gaya ng maraming pinoy, nais kong umunlad ang Pilipinas. Nais kong tingalain tayo ng ating mga kapit-bahay na bansa. Ngunit mangyayari lamang iyon kung bubuhayin ng mga kabataan ang sinabi noon ni Dr. Jose Rizal, na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Sana ay pangarapin ng bawat pinoy ang korona ng tagumpay. Sana ay karirin nila ang pag-aaral upang makatuntong sa semi-finals at final-round ng kompetisyon ng buhay. Sana ay hindi lang sila magaling sa rampahan para umariba sila sa maraming question and answer portions o pagsubok na kanilang haharapin pagka-graduate nila.

Pagka ginawa natin ang mga ito, lahat tayo ay maaaring maging isang Shamcey Supsup - isang Filipino na ipagmamalaki at magbibigay karangalan sa kanyang bayan.

Miyerkules, Agosto 31, 2011

Usapang Taxi at Pinas

Habang sakay ng taxi papunta ng gym ay na-force akong makinig sa AM radio ni Manong. Hindi na ako nag-attempt na ipalipat sa FM station ang radyo dahil mukhang aburido sa mundo ang driver. Pero mas lalo siyang naaburido dahil sa mga pangit na balitang aming napakinggan.

Sabi ng reporter, by the year 2025 daw ay magkakaroon na tayo ng water shortage sa bansa. Mapipilitan na raw ang Pilipinas na umangkat ng tubig mula sa mga foreign neighbors natin. Dahil ito sa mga walang disiplinang mamamayan na mahilig magsayang ng tubig.

Bukod sa problema sa tubig, sobrang nakakalbo na rin daw ang mga forests natin. Only 20 percent na lang ng ating original forest cover ang natitira, making the Philippines the only country in Southeast Asia na may pinaka-manipis na forest cover. Dahil naman ito sa walang pakundangang pagmimina sa ating mga kagubatan.

Lunes, Agosto 29, 2011

Gym Bulag!


Mahal magpapayat.

'Yan ang realization ko simula nung mag-decide ako na mag-enroll sa gym, after forty-eight thousand years ng pag-uurong-sulong.

Membership pa lang sa gym ay umabot na ng halos ten kyaw (ten thousand, in layman's terms). Hindi ko naman alam kung para saan yung Admin Fee, at iba pang achuchuchu fees na kasama sa binayaran ko. Sinubukan kong mag-demand na alisin yung mga hidden costs na yun, pero required daw na bayaran lahat yun. O, sige na nga, mayaman naman ako at madaling kausap, chos!! Haha.

Lunes, Agosto 8, 2011

Change Outfit, Change the World

Nakakasawa na ang mga pangit na balitang napapanood ko sa TV at nababasa sa dyaryo. Sa Twitter, madalas nagpaparinigan at nag-aaway ang mga tao. Sa Facebook, ang daming status na puno ng angst at ka-bitteran. Madaming reklamo ang mga Pinoy sa size ng pandesal, presyo ng kuryente, traffic, at patakbo ng gobyerno. Ang mga bagyo at iba pang kalamidad, dulot daw ng climate change, na bunga naman ng pang-aabuso ng tao sa ating mundo.

Wala na bang pag-asa na mabago ang lahat ng ito?

Huwebes, Agosto 4, 2011

Hoping and Waiting

Hindi ko alam kung bakit may kurot sa puso ko tuwing pinapakinggan ko ang FANTASY album ni Ate Regine. Parang ang sarap ma-in love, ang sarap na mag-belong to someone, habang ninanamnam ko ang bawat words at napakagandang melody ng mga songs ni idol.

Several nights ago, I found myself talking to God. Not in a prayer kind of way. I was simply talking to my God. Medyo hilam ang mga mata ko sa luha, as I was telling Him na kung may nakalaan na isang tao para sa akin, sana ay i-lead na niya ito sa akin. Ang demanding ko 'no? Well, hindi naman sa pagod na akong maghintay. Ang sa akin lang, sayang yung oras na magkasama na sana kaming dalawa kung mauubos lang sa hanapan at hintayan. If I find true love, I'm hoping we could spend the rest of our lives together, not what's left of our lives.

Miyerkules, Hulyo 27, 2011

On Coming Out

Lumaki ako na takot sa Papa ko. Lalo na nung magka-isip na ako at mapagtanto ko na hindi ako kagaya ng ibang batang lalake. May iba sa damdamin ko. Hindi ko hilig ang mag-basketball, takot akong makipagsuntukan, at ni minsan ay hindi ako na-attract sa isang babae.

Ayaw ni Papa na maging iba ako. Gugulpihin nya raw ako. Kaya nabuhay ako sa pagtatago. Hindi ko pinayagan ang sarili ko na magkagusto sa ibang lalake. Nilabanan ko kung ano talaga ako. Naging malungkot ako sa loob ng matagal na panahon.

Lunes, Hulyo 25, 2011

Lucky Me, Instant Party!

Two days lang ang naging preparation ko for my birthday party this year. Parang noodles at kape lang - INSTANT!

The day before the event ay saka pa lang ako nakahanap ng available na venue na swak sa budget at panlasa ko. May basketball game sa Araneta, so hindi pupwede doon. I tried na ipa-reserve ang buong Boracay, kaso may seminar daw ng mga Barangay officials doon. So, I settled for the hippest, and coolest place in town - sa OASIS. 'Wag ka nang kumontra, basta sikat yun, tapos! Hahaha.

Kahit late na ako nakapag-imbita ng mga kaibigan ay jampacked pa rin ang party. More than 70 people came para makigulo, maki-lapang, at magpakabangenge sa alak.

Biyernes, Hulyo 22, 2011

Mga Taong Kumumpleto sa Birthday Ko

1. Nag-organize ng surprise party ang mga friends ko from Tugon. Ginanap lang naman sa isang suite ng Ascott Makati. Muntik na kong mapa-tambling pagpasok ko ng suite kasi inabutan ko silang nagpe-prepare pa lang. Imbes na ako ang ma-surprise, sila ang nasorpresa ko. Hahaha. All over the suite ay nagkalat ang mga photos ko. Sa curtains ng window ay may letter cut-outs ng birthday greeting. We had chinese food for dinner. Then, nag-inuman hanggang sa mag-umaga. Ang sarap ng bonding at kwentuhan. Kaya sobrang thank you Kat, Joan, Randy, Johann, Gabby, Bong, Kuya Rico, Alex, Kervin, archie, Jonelle, Carlo, Cez, and Eloi.

2. Eksaktong alas-dose ng gabi, pagtuntong ng ika-21 ng July, ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang malapit na kaibigan sa Singapore. Nag-abang ng midnight sina Theejay, ang wife niyang si Carla, ang Mama niyang si Tita Susan at ang baby nilang si Kiersten para maging unang-una sila sa pagbati sa akin. Sobrang na-touch ako. Para talagang second family ko na sila.

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Witit na Ako sa Kalendaryo!

Thirty two na 'ko. Witit na talaga ako sa kalendaryo. Pero, 'di naman ako feeling devastated. Kasing-edad kasi ni Barbie Forteza ang puso 'ko. I have a tween heart. Choz! Hahaha.

Pagsapit ng alas-dose ng hating-gabi, sunud-sunod ang text sa cellphone ko. In just ten minutes, 130 plus agad ang Facebook notifications. May tumawag pa from Singapore. Touched na touched ako. I feel loved. And my birthday has just started pa lang.

Well, umaasa pa rin ako na darating sa Pilipinas sina Zac Efron at Nick Jonas para batiin ako. Kaso, hindi ako masyadong prepared pag nagkita na kami. Baka ang masabi ko lang sa kanila ay, I'm just a Mamang Malaki ang Tiyan, standing in front of a boy, asking him to love me. Pak na pak!

Anyway, sana ay makahanap na ako ng venue para makapag-party naman kami ng mga friends ko on Saturday. Ever since kasi na mag-30 ako ay nagpapa-party ako. Nung bagets kasi ako, never ako nakatikim ng party. Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko na nagpapa-party sa classroom. Darating ang nanay nila na may dalang makukulay na puto, mga hotdog na nakatusok sa repolyo, spaghetti na lasang ketchup ang sauce, at mainit na zesto. Kaya sa darating na Sabado, yun ang ihahanda ko. Charot! Hahaha.

Bahala na kung saan kami mag-end up sa Sabado. Ang buhay naman ng party ay wala sa kung saan ito ginaganap, kundi sa mga taong naroon upang makipagsaya.

kaya, kita-kits na lang sa Sabado para sa aking Saberdey!!

kwentong Praffucino

Magtatatlong oras na ako dito sa Starbucks. Inaaligiran na ko ng gwardya, sinisilip yung frappucino ko na hindi naman bottomless pero parang 48 years bago maubos. Ang daming tumatakbo sa isip ko, kung ano-anong kwento, pantasya, memories, mga ideas at fears ang naiisip ko. Kaya, eto, naisip ng Mamang Malaki ang Tiyan na mag-blog.

Ang dami palang pwedeng mabubuong istorya just by observing the people na nagkakape sa Starbucks. Pinagmamasdan ko yung magdyowa habang nag-aaral sila, ingglisan ng ingglisan. Feeling ko bading si kuya, at props lang niya si ate. Walang kamalay-malay ang lola na ang something in common pala nila ng boyfriend niya ay interes sa mga boys, hahaha. Si kuya naman kasi, napaka-obvious. Kung mag-english, may twang. Hindi twang na american accent ha. Twang ng bading na pumo-project. Pero, in fairness, may itsura si kuya ha. At effect na rin ang built ng katawan. Pwede na!

Si manong sa kanan ko, nagbabasa ng dyaryo, Obituaries page. Ang weird ha. Ano naman kaya ang interes niya sa mga patay na binibigyang tribute sa pahinang iyon? Pero what are the odds kaya na pag nagbuklat ako ng dyaryo at tumingin sa Obituaries section ay may kakilala akong naka-feature doon? Maloloka siguro ako. Imadyinin nyo ang Mamang Malaki ang Tiyan na nag-eeskandalo sa Starbucks, kuma-cryola at duma-dialogue ng mga pang-Famas na linya. Hmmmm... Parang 'di ko bet. Ang panget, hahahaha.

Uy, may isang kuya pa sa banda roon. May itsura din. Naka-long sleeves at mukhang busy-busyhan. Ano kaya ang trabaho nya? Bakit kaya siya, hindi inaaliguran ni manong guard e kanina pa ubos ang frappucino niya. To think na grande lang ang order ni kuya long sleeves! Hala! Nabasa yata ni kuya long sleeves ang isip ko, tila naramdaman niyang nilalait ko siya. Biglang nag-empake ng mga gamit niya. Mayroon siyang makapal na envelope. Puro resume siguro ang laman. Anyway, sige, magpapakabait na ako. Hindi ko na siya lalaitin. Sana, kung anuman ang current job niya ay maging successful siya at ma-promote siya agad. Para naman sa susunod ay makabili na siya ng venti na frap. Hahahaha.

In fairness doon sa isang barista, gwapo siya ha. Naaalala ko pa nung bago-bago pa ang Starbucks sa Pilipinas, kilala ito dahil sa mga baristang ingglisero at may fez. I don't know what happened kung bakit nag-deteriorate na ang quality ng mga barista. May iba kasing sing-itim ng coffee granules ang kutis. Yung iba naman, beking-beki, parang gusto mong humatsing pag umoorder ka! Pero, ang common lang sa kanilang lahat, mapa-delicious man o chararat na barista, ay yung talent nila sa pag-recite ng full name at size ng inorder mo, with matching tawag sa pangalan mo. One venti dark mocha chip frappucino for Marlon Hmmmm... Mukhang kaya kong maging barista. Ito kaya ang audition piece nila pag nag-aapply sila? Palakasan ng boses at pagandahan ng diction kaya ang labanan? Haynaku, baka maligwak ako. May f at p speech defect ako. Baka ang masabi ko ay praffucino, hahahaha.

Wait lang, teka, teka!! Si kuya inggliserong kloseta chumichika kay kuya long sleeves! Anyare?! Kainis! Naligwak ang byuti ko, huhuhu.

Makaalis na nga at makapagyosi na lang sa labas!